MCC Kinder-Grade School Level
The Official Page of Kinder-Grade School Level of Mount Carmel College aims to reach you and update you to all school-related matter.
19/01/2024
Sa sagradong araw na ito, ipinagdiriwang namin ang apat na taon ng iyong tapat na paglilingkod at hindi natitinag na pangako. Ang iyong paglalakbay sa pananampalataya ay naging isang tanglaw ng inspirasyon, at ang iyong dedikasyon sa iyong tungkulin ay tunay na kapuri-puri. Nawa'y patuloy kang pagpalain at gabayan ng Panginoon sa iyong landas ng pagbibigay liwanag at pag-asa.
Happy 4th Sacerdotal Anniversary, Rev. Fr. John Anthony C. Losbañes.
📝Dianne Lindsy Feliciano
📷Tristel Ann Ruidera
21/12/2023
MCC Personnel's Christmas Party 2023, Ipinagdiwang!
Nagdaos ng kanilang Christmas Party ang mga manggagawa ng Mount Carmel College, Inc. ngayong taon, Disyembre 21.
Dinaluhan ito ng mga g**o mula sa Kinder Grade School, Junior High School, Senior High School, at Higher Education Department, gayundin ng mga Non-teaching Personnel at Student Assistants.
Sinimulan ang nasabing programa sa pamamagitan ng isang Banal na Misa na pinangunahan ng mga paring lingkod na sina Executive Vice-President Rev. Fr. Dave D. Capucao, PhD., SThD. at Rev. Fr. John Anthony C. Losbañes, Ed. D (Candidate) Secretary to the Executive Vice-President na sinundan naman ng kani-kanilang mga mensahe para sa mga manggagawa ng Carmel.
Nagkaroon din ng wine toasting sa pangunguna naman ng Finance Administrator, Rev. Fr. Ariel N. Loterte bago ang mga inihandang presentasyon ng bawat department.
Higit pa rito, nagkaroon din ng mga palaro, pagbibigay ng mga pamaskong handog at raffle draw na nagbigay ngiti at saya sa bawat isang dumalo.
Isinulat ni: Dianne Lindsy A. Feliciano
Mga kuhang larawan nina: Tristel Ann G. Ruidera at Dianne Lindsy A. Feliciano
20/12/2023
Nagbahagi ng pamaskong handog ang Kinder Grade School Department ng Mount Carmel College, Inc. sa mga piling pamilya mula sa MSK ng Munting Gasang, Cemento Ilaya at Puntian ngayong araw, Disyembre 20.
Naisagawa ang nasabing programa sa tulong ng mga donasyon ng mga magulang at sa pangunguna ng mga g**o mula sa KGS level.
Layunin ng gawaing ito makapagbigay ngiti at pag-asa sa mga pamilyang higit na nangangailangan ngayong pasko.
Isinulat ni: Dianne Lindsy A. Feliciano
Mga kuhang larawan nina: Tristel Ann Ruidera at Dianne Lindsy A. Feliciano
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Quezon Street
Baler
3200
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |