Sweet Cups
Sweet Cups is a kiosk whose main product is frappe. It was born out of passion to provide snacks that are budget friendly yet of good taste and quality.
03/04/2018
Hi Sweeties!
Replacing our quarter pound burger, we launched our Grilled Cheese Sandwich and Cheese Quesadilla. But wait, we are yet to complete the line up 😉.
Your new "paBURRITO" is coming up next.
Watch out! 😉
02/04/2018
Cheese Quesadilla, now only P55!
Good day sweeties!
We got a riddle for you...
Its not so tender, not so crunchy
Yet it's cheesy and sooo yummy!
What is it?
You'll find out soon 😉
Only here at Sweet Cups...
25/03/2018
Hi Sweeties!
Since lenten season is now approaching, let me share to you my favorite piece. Yun nga lang d tlga ako mahilig mag title..hahahah! Whenever I feel writing, I just write whatever I feel.
READ AT YOUR OWN RISK 😉
Parati kong naririnig ang dalawa sa mga uri ng pag ibig:
Ang tamang pag ibig ngunit maling panahon, at tamang panahon ngunit maling pag ibig
Hindi ko alam kung alin tayo dun sa dalawa
Kung tama pa bang may “tayo”, o kung mali na
Nasaan ka na ba?
Hindi na ba talaga tayo magkakatagpo?
Dahil kung ito’y tagu-taguan, hindi ko alam kung sino sa atin ang taya at kung sino sa atin ang nawawala
Napakaliwanag ng buwan ngunit hanggang ngayon hindi pa rin tayo magkakitaan
Hindi ko alam kung sino sa atin ang nagtatago
Dahil matagal ng tapos ang isa hanggang sampu
At matagal na rin akong lumabas mula sa aking pinagtataguan
At ngayon patuloy na naglalakad sa kawalan na dati ay kalawakan
Kalawakan na sabay nating pinagmamasdan sa ilalim ng nagniningning na mga bituin
Kasama ang mga alitaptap na sumusulyap sa pag ibig natin
Ngunit sino nga ba ang nagtatago at sino ang naghahanap
Lumalalim na ang gabi ngunit hanggang ngayon wala ka pa rin sa aking tabi
Kaya’t sabi ko, hindi na ako pwedeng maglaro
Hahanapin kita kaya’t ako’y tumayo
Wala akong pakialam kung ako may madapa, o kung ako ma’y mataya
Sinasabi ko ang takot ko sa dilim at sa kung anong nasa likod ng dilim
Mahanap ka lang, makita ka lang
Dahil kailangan kitang bawiin sa tadhana
Hindi ko alam kung paano, bahala na
Basta hahanapin kita, kahit nasaan ka pa
Hahanapin kita… hahanapin kita
At nakita na nga kita, nakita na kita
Natagpuan kita sa pagitan ng gabi at umaga
Hindi alam kung magpapatuloy pa
Kung nanakawin pa ba ang mga tala para sa akin dahil ang sabi mo kahinaan ko ang mga bituin
Natagpuan kita sa pagitan ng laban at paalam Nakikipagdigma sa tadhana dahil ang sabi mo yun ang tama
Natagpuan kita sa pagitan ng ngayon at bukas
Masaya, ngunit lumuluha
Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko
Kung ang ngiti mo ba o ang luha mo
Natagpuan kita sa pagitan ng “mahal kita” at ng “minahal kita” Ngunit nagdurugo ka na
Patawad…Patawad
Dahil kung minsan mas nauuna pa ang bibig kong pumutak kesa mag isip ang kulubot kong utak
Patawad dahil kung minsan mas nauuna pa ang pagmulat ng aking mata kesa sa pagtibok ng puso kong hinahapo na
Patawad dahil kung minsan binabalewala ko ang tenga mong hindi napapagod sa pakikinig sa bawat pantig na iniluluwa ng aking bibig
kahit kadalasan wala naman talagang kwenta ang mga binibitawan kong salita
Patawad kung isa ako sa naging dahilan ng pagsikip ng iyong mundo,
Kung ang dating payak ay naging kumplikado, patawad…
Patawad kung isa ako sa nagbaon ng takot diyan sa loob mo na unti-unting lumaki at ngayon ay iyo nang inaani
Patawad kung mas pinili kong magtago para lang hanapin mo, gayon na alam ko na ang mas dapat mong hanapin ay ang sarili mo
Naging makasarili ako
Kaya’t heto, nagkasalisi tayo
Sabay tayong naghanap ngunit sabay din tayong nagtago Nakakapagod pala ang laro
Buong akala ko kasing simple lang ito ng pagbilang mula isa hanggang sampu
Ngunit hindi, hindi pala
Kaya’t patawad...
Dahil hindi na kita kayang makitang nagdurugo pa sa pagitan ng gabi at umaga,
Ng laban at paalam,
Ng ngayon at bukas
At ng “mahal kita” at “minahal kita”
Hindi na kita kayang makitang nasasaktan pa
Kaya’t mahal, malaya ka na..
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
34 Quezon Street (Across LBC Baler)
Baler
3200
Opening Hours
| Monday | 6:30am - 9pm |
| Tuesday | 6:30am - 9pm |
| Wednesday | 6:30am - 9pm |
| Thursday | 6:30am - 9pm |
| Friday | 6:30am - 9pm |
| Saturday | 12pm - 9pm |
| Sunday | 6:30am - 9pm |