DepEd RXII Kusan Elementary School

DepEd RXII Kusan Elementary School

Share

DepED RXII Kusan Elementary School
School ID 130638

15/08/2022

Kaisa ng Kagawaran ng Edukasyon ang pamilyang Dreamweavers ng SDO South Cotabato na pinamumunuan ni SDS Ruth L. Estacio at ASDS Jasmin P. Isla para sa Oplan Balik Eskwela na may temang "Kapit-Bisig para sa Mas Ligtas na Balik-Aral" ngayong darating na Agosto 15-26, 2022.

Nilalayon ng OBE na matiyak na ang mga mag-aaral mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan ay maayos na makapagpatala; at matugunan ang mga katanungan at iba pang alalahanin na karaniwang nararanasan ng publiko sa pagsisimula ng taong-panuruan.

Inaanyayahan ang lahat ng internal at external stakeholders ng mga paaralan ng Sangay ng South Cotabato na panoorin ang gaganaping OBE 2022 Launch and Command Conference ngayong Agosto 15, Lunes, na mapapanood sa ating DepEd Philippines page at YouTube channel, at sa DepEd Tayo South Cotabato page upang alamin ang mga ginagawang paghahanda para sa pasukan.

Para sa iba pang detalye kaugnay sa OBE 2022, basahin ang DepEd Memorandum No. 63, s. 2022: bit.ly/DM63S2022

Want your school to be the top-listed School/college in Banga?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Banga
9511