Divine Mercy Church, Baras Rizal
Mga Deboto sa Dakilang Awa ng Diyos. NAORCC-Utrecht Succession -AOC
Diocese of St. Padre Pio of Pietrelcina
16/06/2026
HUNYO 14, 2026 | LINGGO
TINATAWAG UPANG MAKIBAHAGI SA MISYON NI KRISTO
Sa simula pa lamang, tayo ay naging kabahagi at tinawag ni Kristo para sa isang dakilang misyon. Ito ay upang ipalaganap ang Kaniyang salita at pagmamahal sa buong sanlibutan.
Maipapakita natin ito sa pamamagitan ng pagsisimula ng kaayusan sa ating mga tahanan at pagpapalaganap nito sa kapwa. Tayo mismo ang magiging daan upang maging tunay na kabahagi sa misyon ni Kristo.
๐๐๐
12/06/2026
"O Kalinis-linisang Puso ni Maria, Ina ng Diyos at Ina namin, iniaalay at itinatatalaga namin ang aming sarili sa iyong Mahal na Puso. Ipagkaloob mo sa amin ang biyaya na mamuhay ayon sa iyong kalinisan at kabanalan.Ipanalangin mo kami sa iyong Anak na si Hesus upang kami ay Kanyang gabayan. Nawa'y maging kanlungan at daan ang iyong Puso patungo sa kabanalan. Amen."
11/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐
Sa dakilang kapistahang ito, buong pananampalataya nating ipinagdiriwang ang Kabanal-banalang Puso ni Hesusโang pusong puspos ng walang hanggang pag-ibig, habag, at awa para sa sangkatauhan. Sa Kanyang Banal na Puso, nahahayag ang sukdulang pag-ibig ng Diyos na nag-alay ng sarili para sa ating kaligtasan.
Ang Puso ni Hesus ay paanyaya sa atin na lumapit nang may kababaang-loob, magsisi sa ating mga kasalanan, at magtiwala sa Kanyang walang hanggang awa. Ito rin ay paalala na tayo ay tinatawag upang magmahal tulad Niyaโbuo, tapat, at walang kondisyon.
Nawaโy sa pagninilay sa Kabanal-banalang Puso ni Hesus, lalo tayong mapalapit sa Kanya, mapuno ng Kanyang biyaya, at maging mga buhay na saksi ng Kanyang pag-ibig sa mundo.
๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐๐
Panginoong Hesukristo, Kabanal-banalang Puso na puspos ng pag-ibig at awa, sinasamba Ka namin at pinupuri sa Iyong walang hanggang pag-aalay ng sarili para sa aming kaligtasan.
Buksan Mo ang aming mga puso upang matuto kaming magmahal tulad Moโmay kababaang-loob, may habag, at may katapatan. Patawarin Mo kami sa aming mga pagkukulang at palakasin Mo kami upang manatiling tapat sa Iyong kalooban.
Gawin Mo kaming karapat-dapat na maging instrumento ng Iyong pag-ibig sa aming kapwa. Amen.
Kabanal-banalang Puso ni Hesus, maawa Ka sa amin. ๐๐๐
๐๐๐
10/06/2026
Sa gitna ng pagyanig ng lupa at takot na bumalot sa paligid, may isang batang hindi nawalan ng pag-asa. Habang ang iba ay naghahanap ng masasandalan, siya ay tumingala sa langit at nanalangin. Isang paalala na sa gitna ng krisis, ang pananampalataya ay nagbibigay ng lakas, kapayapaan, at pag-asa. ๐๐๐
10/06/2026
HUNYO 07 , 2026 | ๐๐ง๐ ๐๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ง๐๐ฅ-๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ ๐จ ๐ง๐ข ๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ | ๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ
Sa Eukaristiya natatagpuan natin si Kristoโang Tinapay ng Buhay na nagpapatibay, at Kalis ng Kaligtasang sagisag ng walang hanggang pag-ibig. Tulad ng manna sa ilang, Siya ang ating pagkain sa paglalakbay patungo sa langit. Maligayang Kapistahan!
09/06/2026
HUNYO 07, 2026 | SCHOOL SUPPLIES 2026
Hiling na muling tinugunan ng Diyos โจ
Bago pa man mag-umpisa ang pasok, batid na ng Diyos ang bawat daing at kahilingan ng mga estudyante at magulang. Kaya, gumamit siya ng mga instrumento at tulay upang matugunan ang mga ito. Tunay ngang walang imposible sa katagang "GOD WILL PROVIDE".
Nawa'y ang bawat batang nabiyayaan ay pagkalooban ng Diyos ng karunungan. At, nawa'y magamit nila ito upang unti-unting maabot ang kanilang pangarap.
Gayunpaman, nagbibigay kami nang taos pusong pasasalamat sa lahat ng mga tao sa likod ng mga ito. Maraming Salamat po sa napakabuti niyong puso. Nawa'y pagkalooban pa po kayo ng siksik, liglig at umaapaw na biyaya galing sa Panginoon.
Higit sa lahat, maraming salamat sa Diyos na hindi nagsasawang tumugon sa ating mga Pangangailangan.
08/06/2026
๐๐๐๐๐
PRAY FOR MINDANAO!
A magnitude 7.0 earthquake has affected several parts of Mindanao, according to the Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). In the interest of public safety, classes on the first day of the school year have been suspended in affected areas while authorities conduct damage assessments and continue to monitor for possible aftershocks.
๐ Prayer for Mindanao
Heavenly Father, source of our strength and refuge, we entrust to You all those affected by the earthquake in Mindanao. Protect families, students, teachers, rescuers, and all communities facing fear and uncertainty. Grant safety to those in danger, comfort to the distressed, healing to the injured, and wisdom to authorities as they respond to this situation.
Calm the earth and spare the affected areas from further harm. May Your loving presence bring peace to every anxious heart and hope to all who suffer.
We ask this through Christ our Lord. Amen.
Our Lady of Peace and Good Voyage, pray for us.
St. Joseph, Protector of Families, pray for us.
St. Michael the Archangel, defend us in battle.
Sacred Heart of Jesus, have mercy on us. ๐๐ป๐ต๐ญ
07/06/2026
Ang Banal na Eukaristiya ay ang puso at sentro ng buhay Kristiyano. Ito ang sakramento kung saan tinatanggap ng mga mananampalataya ang tunay na Katawan at Dugo ni Hesukristo sa anyo ng tinapay at alak. ๐๐๐
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Divine Mercy Church, Baras Rizal
Baras
1870