Batanes PLO

Batanes PLO

Share

Provincial Legal Office

30/04/2025

Huwag ipamigay ang iyong kinabukasan. Protektahan ang iyong karapatan.

30/04/2025

CPNP MARBIL HINIKAYAT ANG MGA KAPULISAN NA MAS LALONG PAIGTINGIN ANG PAGPAPATUPAD NG KALIGTASAN AT INGATAN ANG INTEGRIDAD NG 2025 ELECTIONS

Kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., muling pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng mga pulis sa kanilang mahalagang papel upang matiyak na tahimik at maayos ang 2025 National and Local Elections (NLE). Habang papalapit ang eleksyon, matibay ang PNP sa kanilang pangako na pangalagaan ang integridad ng demokratikong proseso at protektahan ang mga karapatan ng bawat Pilipino na botante.

Binigyang-diin ni Chief PNP Police General Rommel Francisco D Marbil na napakahalaga ng papel ng PNP sa pagpapalaganap ng kaayusan sa eleksyon. "Handa tayo na tiyakin na ang bawat Pilipino ay makakaboto nang ligtas at mapayapa. Paiigtingin natin ang mga checkpoints, chokepoints, at mga operasyon ng patrolya upang maiwasan ang anumang aberya," wika ni Marbil. "Ang trabaho natin ay pangalagaan ang kabanalan ng proseso ng eleksyon, at hindi natin hahayaan na may makasira nito."

Patuloy ding sumusuporta ang PNP sa “Kampanya Kontra Bigay” ng Commission on Elections (COMELEC), partikular ang Committee on Kontra Bigay (CKB), at hinihikayat ang publiko na maging mapanuri laban sa pamimili at pagbebenta ng boto. Paalala ni Chief Marbil sa mga mamamayan, "Kung kayo ay nakakita o may nalalaman na pamimili o pagbebenta ng boto, agad itong i-report sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya. Magtulungan tayo para maprotektahan ang integridad ng ating eleksyon."

Dagdag pa, pinaalalahanan ng PNP ang lahat ng kandidato na tumatakbo para sa mga posisyong pambansa at lokal na sundin ang mga alituntunin ng COMELEC. "Hinihikayat natin ang lahat ng kandidato na sumunod sa mga patakaran ng COMELEC upang matiyak ang isang patas at maayos na eleksyon. Magtulungan tayo upang magkaroon ng isang mapayapa, malinaw, at legal na panahon ng eleksyon," dagdag pa ni Marbil.

Ang PNP ay nananatiling tapat sa kanilang misyon na tiyakin na ang 2025 elections ay isasagawa nang naaayon sa tunay na kagustuhan ng mga Filipino, nang walang anumang illegal na panghihimasok o manipulasyon.

30/04/2025

PNP SINIMULAN NA ANG LOCAL ABSENTEE VOTING PARA SA HALALAN 2025; CPNP MARBIL, NANGUNA SA PAGBOTO

Bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa ligtas at maayos na eleksyon, sinimulan na ngayong araw ng Philippine National Police (PNP) ang Local Absentee Voting (LAV) para sa 2025 National and Local Elections. Ginanap ito sa PNP Multi-Purpose Center sa Camp Crame, Quezon City.

Sa nalalabing dalawang linggo bago ang halalan, mismong si PNP Chief, Police General Rommel Francisco D. Marbil, ang nanguna sa pagbubukas ng LAV sa pamamagitan ng kanyang maagang pagboto ngayong umaga, na nagsilbing inspirasyon sa lahat ng PNP personnel.

Mula sa humigit kumulang na 33,000 na PNP personnel sa buong bansa na nagpahayag ng kanilang intensyon na mag-avail ng Local Absentee Voting (LAV), 1,471 na Crame-based na pulis at mga personnel ang nagpahayag ng kanilang kagustuhang gamitin ang kanilang karapatan na bumoto kasabay ng kanilang paghahanda para sa election duties sa buong bansa.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PGen Marbil ang kahalagahan ng pagboto, lalo na sa mga tagapagpatupad ng batas. “Hindi lang tayo tagapagtanggol ng demokrasya — bahagi rin tayo ng demokrasya,” ani niya. “Ang pagboto ay hindi lang karapatan, kundi tungkulin natin. Isa itong paraan para ipakita ang pagmamahal natin sa bayan.”

Tiniyak rin ni Chief PNP Marbil sa publiko na handang-handa na ang PNP na siguraduhin ang kaligtasan ng nalalapit na halalan, sa tulong ng kanilang mga tauhan, mobility assets, at logistical resources. Pinaalalahanan niya ang lahat na manatiling mapagmatyag at propesyonal sa harap ng mga posibleng banta sa integridad at seguridad ng eleksyon.

Magpapatuloy ang Local Absentee Voting hanggang April 30, 2025, kung saan pinapayagan ang mga pulis, sundalo, media workers, at iba pang frontline government workers na makaboto nang mas maaga para matiyak ang kanilang partisipasyon sa demokratikong proseso.

Muling pinagtitibay ng PNP ang kanilang dedikasyon sa pagbabantay sa boses ng bayan at sa pagpapatibay ng demokrasya habang papalapit ang araw ng halalan.

30/04/2025

CPNP NANINDIGAN SA ZERO TOLERANCE AT NO SECOND CHANCE PARA SA MGA ABUSADONG PULIS

Kasunod ng panawagan ng Pangulong Ferdinand R Marcos Jr ukol sa pananagutan ng mga miyembro ng kapulisan, muling ipinaabot ng Philippine National Police (PNP), sa ilalim ng pamumuno ni Police General Rommel Francisco Marbil, ang kanilang pangako na ipatupad ang Zero Tolerance Policy laban sa mga tiwaling pulis matapos ang ilang mga sunod-sunod na kaso ng paglabag sa tungkulin.

Ito ay kasunod ng pagkaka-aresto ng pitong pulis na sangkot sa pangongotong sa isang negosyanteng Tsino sa isang checkpoint sa Parañaque City. Bukod dito, apat na pulis mula sa Police Station 14 sa Quezon City ang inaresto matapos matuklasan ang maling paghawak ng mga ebidensya at hindi pagsunod sa tamang proseso sa isang Oplan Galugad. Isang pulis din ang nahaharap sa kaso ng pambubugbog sa isang menor de edad sa Quezon City. Maliban pa rito, tinanggal rin sa pwesto ang buong District Special Operations Unit (DSOU) ng Eastern Police District (EPD) at ang kanilang direktor dahil sa mga alegasyon ng pangongotong kaugnay ng pagkaka-aresto sa dalawang Tsino. Walong tauhan ng DSOU ang nasa restrictive custody at may mga kasong criminal na naisampa laban sa kanila.

"Ayon kay CPNP Marbil, "Maliwanag na paalala ito — sinumang pulis na magtataksil sa tiwala ng taumbayan ay mananagot sa batas. Hindi natin palalagpasin ang ganitong klaseng kabaluktutan."

Dagdag pa niya, “Gusto kong linawin: sariling desisyon ng mga pulis na ito na gumawa ng mali. Kung mawalan sila ng trabaho o makasuhan, pinili nila ang landas na yun. Hindi poprotektahan ng PNP ang sinumang sisira sa tiwala ng publiko.”

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusumikap na linisin ang hanay ng kapulisan, nakapagresolba ang PNP ng kabuuang 3,611 na mga kaso mula Abril 1, 2024, hanggang Abril 23, 2025, kabilang na ang 1,288 dismissals, 172 demotions, 1,456 suspensions at iba't ibang aksyon tulad ng forfeitures ng sahod, reprimands, at mga restrictions. Ang mga hakbang na ito ay nagpapakita ng pangako ng PNP na mapanatili ang disiplina at tiwala ng taumbayan.

Binigyang-diin ni CPNP Marbil, “Hindi namin papayagan na ang iilang mga tiwaling pulis ay magiging dahilan ng pagkasira ng reputasyon ng buong ahensya. Kami ay nakatuon sa paghahanap ng katarungan, at hindi kami titigil hangga’t hindi pa natatanggal sa serbisyo ang lahat ng may sala.”

Dagdag pa niya, “Gusto naming malaman ng publiko na ang PNP ay hindi kailanman magbibigay ng pangalawang pagkakataon o magkukunsinte ng sinumang dudungis sa aming mga uniporme. Ang batas ay laging mananaig, at ang mga lumabag ay haharapin ang mga parusa."

Tiniyak ng PNP na patuloy nilang palalakasin ang internal discipline at sisiguraduhing lahat ng pulis ay susunod sa batas, na may mataas na integridad at malasakit sa bayan.

Photos from Philippine National Police's post 30/04/2025
30/04/2025

𝐏𝐎𝐋𝐈𝐂𝐄 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄 𝟔 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐃𝐄𝐀𝐓𝐇 𝐎𝐅 𝐌𝐑. 𝐉𝐔𝐀𝐍 𝐃𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆

ILOILO CITY - The Police Regional Office 6 (PRO-6) vehemently condemns the shooting to death of Mr. Juan P. Dayang, 89-year-old, on evening of April 29, 2025 at his residence at Barangay Andagao, Kalibo, Aklan.

Rest assured that PRO-6 is pursuing an airtight investigation and shall explore all available legal means to identify and bring the suspect/s to court, and that justice be served to the victim.

Furthermore, we extend our deepest sympathy and condolences to the bereaved family and fervently affirm our assurance to hold the perpetrator accountable and the PRO-6's unwavering commitment to ensuring the safety and security of the people of Aklan Province and the rest of Region 6.


𝗣𝗕𝗚𝗘𝗡 𝗝𝗔𝗖𝗞 𝗟 𝗪𝗔𝗡𝗞𝗬
Regional Director, PRO6

Photos from Office of the Chief PNP's post 30/04/2025
30/04/2025

Gospel: Luke 24:1-12
Reflection: The Empty Tomb
April 19, 2025

30/04/2025

Gospel: John 20: 1-9
Reflection: The Resurrection of Jesus from the Dead
April 20, 2025

30/04/2025

Gospel: John 20:11-18
Reflection: Bearers of Goodnews!
April 22, 2025

Want your organization to be the top-listed Government Service in Basco?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


National Road, Batanes
Basco
3900

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5am
Friday 8am - 5am