Noel Pardo

Noel Pardo

Share

Official Page of Noel Pardo for Board Member - 2nd District, Camarines Norte

Photos from Noel Pardo's post 25/09/2025

61st PAP Convention & 8th ASEAN Regional Union of Psychological Societies (ARUPS) Congress, held in IC3 Convention Center, Cebu

03/05/2025

Sa nalalapit na halalan ngayong Mayo 12, ako po ay taos-pusong humihiling ng inyong suporta para maisulong ko ang mga programa para sa mental health.

Sa tulong ninyo, maipagpapatuloy ko ang mga programang makakapaghatid ng mental health services sa mas maraming komunidad, at masisiguro nating walang maiiwan.

Buong puso kong sinusuportahan ang plano ng ating gobernador na gawing Camarines Norte General Hospital ang kasalukuyang Camarines Norte Provincial Hospital—isang hakbang na makapagpapalawak sa serbisyong medikal ng ating lalawigan. Sa bagong ospital, lalong magiging mahalaga at sentro ang mental health program na aking isinusulong.

Maraming salamat sa mga tumangkilik sa akin noong nakaraang halalan. Ngayon, ako po ay muling kumakatok sa inyong puso—na sana’y dagdagan pa ninyo ang inyong tiwala at suporta. Ang boto ninyo ay hindi para sa isang pangalan, kundi para sa adhikaing may tunay na saysay.

Para sa mas malusog na kaisipan ng bawat Pilipino—magkaisa tayo.

Noel Teodoro Pardo
Board Member, 2nd District Camarines Norte

EDUCATION: Doctor of Philosophy Major in Human Resource Management; Master in Education Major in Administration and Supervision; Bachelor of Science in Psychology

PROFESSIONAL EXPERIENCE: Retired Jail Superintendent, BJMP; Psychologist, BJMP National Headquarters; Regional Psychologist, Region IV-A; Provincial Administrator, BJMP Camarines Norte; Regional Psychologist, BJMP Region V

26/04/2025

ANG PAGTUGON NI NOEL PARDO SA MAS MAHALAGANG TUNGKULIN PARA SA MENTAL HEALTH, NAKASALALAY SA BOTO NG MGA TAGA SEGUNDO DISTRITO.

Noong nakaraang eleksyon, nabigo si Noel Pardo na manalo sa pagka board member ng 2nd district ng Camarines Norte. Baon niya noon ang mga adbokasiya para sa mental health. Inakala niyang hindi talaga yata ito para sa kanya sa kabila ng napakalinis niyang track record mula nang siya ay magtrabaho sa gobyerno.

Nagtungo siya sa abroad para sana sa mapayapang buhay, subalit hinahanap-hanap naman siya ng mga tao, lalo na ng mga natutulungan niya sa Neuropsychological Testing. Mula kasi nang siya ay umalis, kinakailangan pang lumuwas ng Camarines Norte ng mga nangangailangan ng naturang eksaminasyon.

Dahil dito, nagpasiya syang bumalik para matulungan ang mga taong nangangailangan ng kanyang espesyalisasyon. Hanggang sa muling manumbalik ang kanyang kagustuhan na maisulong ang kanyang adbokasiya sa mental health nang siya ay lapitan ng Team Matapat upang maging bahagi ng Board Member slate para sa segundo distrito.

Hindi madali ang magdesisyon kung uunahin ang sariling kapayapaan o ang kapakanan ng iba. Pero naniniwala si Noel Pardo na kung mayroong swak sa posisiyon at trabahong ito na nais ng Padilla-Ascutia Administration ay walang iba kundi siya.

Sa mahabang kasaysayan ng politika sa Camarines Norte, ngayon lamang mayroong naglakas-loob na magsulong sa napaka-critical na isyu ng mental health. Ang kagandahan dito, susog ito sa mga programang tinatahak ng kasalukuyang administrasyon.

“Gawin po ninyo akong instrumento para isulong ang mga programa sa mental health”. Panawagan ni Pardo, maiksi, subalit makabuluhan para sa bawat isang dumadaan sa mental health crisis at maging sa kanilang mga anak, magulang, kaibigan at kakilala.

Si Bokal Noel Teodoro Pardo, PhD, RPsy, RPM ay numero 7 sa balota, bilang bokal ng segundo distrito ng Camarines Norte.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Basud?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Camarines Norte
Basud