PLSS MMSU
The PLSS- MMSU is the official academic organization of Sociology students from MMSU-CAS.
06/06/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
Pagbati sa mga Senior ng Programang BA Sociology! ๐๏ธ
Ipinagmamalaki ng BA Sociology Program na kilalanin ang mga Academic Achievers para sa Ikalawang Semestre ng Taong Panuruan 2025โ2026. Ang pagkilalang ito ay hindi lamang sumasalamin sa inyong kahusayan sa akademya, kundi maging sa inyong tiyaga, dedikasyon, at patuloy na paghahangad ng kaalaman sa pag-unawa sa lipunan.
Patuloy na maging inspirasyon sa kapwa mag-aaral at magsilbing halimbawa ng sipag at kahusayan.
Mula sa Bayan, Para sa Bayan! โจ
๐ฉ๐จ๐บ๐ป๐จ ๐บ๐ถ๐ช๐ฐ๐ถ, ๐จ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฉ๐ถ. ๐ฉ๐จ๐บ๐ป๐จ ๐บ๐ถ๐ช๐ฐ๐ถ, ๐ท๐น๐ถ๐ฎ๐น๐ฌ๐บ๐ฐ๐ฉ๐ถ.
03/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐โฆ๐ฉ๐๐๐๐๐๐ ๐ซ๐๐๐๐๐! ๐ฅณ๐๐
Bilib kami sa iyong tunay na paglilingkod nang may puso at talino para sa kapwa mag-aaral! Mula sa paggawa ng mga captions, paglikha ng konsepto sa ating bulletin, at maging katulong sa pagbuo ng mga ideya ay nandiyan ka upang tumulong at magbigay ng kontribusiyon.
Saludo kami sa iyong walang sawang pagpupursigi at determinasyion hindi lang upang gampanan ang responsibilidad kundi magbigay ng taos pusong serbisyo sa kapwa mo mag-aaral.
Sa pagpasok mo sa panibagong taon ng iyong buhay, ipagpatuloy mo lang ang pagiging liwanag at inspirasyon sa marami.
Muli,maligayang bati! ๐
17/05/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
Isang makasaysayang yugto ang matagumpay na naisakatuparan sa kauna-unahang ALPAS โ The Sociology Tribute Ceremony: Lininang sa Dunong, Lingkod, Lingap, at Lipunan ng programang BA Sociology. โจ
Sa hapong puno ng pagkilala, pagpupugay, at inspirasyon, pinarangalan ang bawat nagsipagtapos na mag-aaral para sa kanilang sipag, dedikasyon, at makabuluhang ambag sa akademya at lipunan. Higit pa sa mga parangal, naging simbolo rin ang Jacketing Ceremony ng kanilang kahandaan na dalhin ang diwa ng sosyolohiyaโang paglilingkod, malasakit, at kamalayang panlipunanโlampas sa silid-aralan at tungo sa tunay na mundo. ๐
Ang ALPAS ay hindi lamang isang seremonya, kundi isang pagdiriwang ng mga pangarap, sakripisyo, at tagumpay ng bawat future sociologist na patuloy na maninindigan para sa dunong at lipunan.
Mula sa programang BA Sociology, taos-pusong pagbati sa lahat ng nagsipagtapos at pinarangalan. Nawaโy magsilbi kayong ilaw ng pagbabago at tinig ng sambayanan saan man kayo dalhin ng inyong landas. โค๏ธ
๐ฉ๐จ๐บ๐ป๐จ ๐บ๐ถ๐ช๐ฐ๐ถ, ๐จ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฉ๐ถ. ๐ฉ๐จ๐บ๐ป๐จ ๐บ๐ถ๐ช๐ฐ๐ถ, ๐ท๐น๐ถ๐ฎ๐น๐ฌ๐บ๐ฐ๐ฉ๐ถ.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Website
Address
#16 Quiling Sur
Batac
2906