DA-PhilRice Batac
DA-PhilRice Batac was established in 1999 to be the Drought-prone Agriculture Research Center through an agreement forged by then PhilRice.
10/07/2026
🌾 Pagsasanay tungo sa mas mataas na suplay ng dekalidad na binhi sa Abra!
Isang mahalagang hakbang ang nakamit ng 20 magsasaka mula sa Tineg, Abra matapos nilang makapagtapos sa 5-araw na pagsasanay upang sila ay maging kwalipikado na makapag-apply bilang mga seed growers.
Sa tulong ng ating mga katuwang na ahensiya, ang BPI-NSQCS, ATI, at DA-RFO ng CAR, PLGU Abra, at MLGU Tineg, nadagdagan ang kaalaman ng mga magsasaka sa seed production at seed certification, na mahahalagang aspeto sa pag-aalaga ng palay na magpapanatili ng mataas na kalidad ng mga binhi.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng ating mga magsasaka, inaasahang madadagdagan ang suplay ng dekalidad na binhi sa Abra.
09/07/2026
MAS MALAWAK NA ABOT NG RICEBIS 2.0
Mas pinalalawak pa ang mga oportunidad para sa mga samahan ng magsasaka sa Pangasinan sa pamamagitan ng Rice Business Innovations System (RiceBIS) 2.0 Program.
Nagtipon ang mga miyembro ng Site Working Group upang talakayin ang mga plano, estratehiya, at susunod na hakbang para sa pagpapatupad ng programa sa mga pilot at bagong expansion sites sa Alaminos City, Balungao, at Manaoag.
Sa pamamagitan ng RiceBIS 2.0, binibigyang-lakas ang mga samahan ng magsasaka na maging mas matatag at matagumpay na agribusiness enterprises sa tulong ng mga katuwang na ahensya at lokal na pamahalaan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
Brgy. Tabug, Paoay Road, City Of Batac
Batac
2906
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |