Host Rona Roz

Host Rona Roz

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Host Rona Roz, Party Entertainment Service, Batangas City.

Photos from Host Rona Roz's post 24/01/2026

𝐀𝐏𝐏𝐑𝐄𝐂𝐈𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐎𝐒𝐓 - 𝐉𝐚𝐧𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟏𝟎,𝟐𝟎𝟐𝟔

Thankyousomuch for trusting Host Rona!
𝐌𝐫𝐬. 𝐉𝐞𝐧𝐧𝐢𝐞 𝐑𝐚𝐦𝐢𝐫𝐞𝐳 𝟓𝟎𝐭𝐡 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐲 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧
📍𝐕𝐢𝐫𝐥𝐥𝐬 𝐓𝐚𝐦𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐄𝐯𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐏𝐥𝐚𝐜𝐞, 𝐁𝐚𝐭𝐬. 𝐂𝐢𝐭𝐲

𝖧𝗈𝗌𝗍𝗂𝗇𝗀 𝗂𝗌 𝗇𝗈𝗍 𝗃𝗎𝗌𝗍 𝖺𝖻𝗈𝗎𝗍 𝖾𝖺𝗋𝗇𝗂𝗇𝗀, 𝗂𝗍’𝗌 𝖺𝖻𝗈𝗎𝗍 𝖿𝗎𝗅𝖿𝗂𝗅𝗅𝗂𝗇𝗀 𝗉𝖾𝗈𝗉𝗅𝖾’𝗌 𝖽𝗋𝖾𝖺𝗆𝗌 𝗈𝖿 𝗆𝖺𝗄𝗂𝗇𝗀 𝗍𝗁𝖾𝗂𝗋 𝗌𝗉𝖾𝖼𝗂𝖺𝗅 𝖽𝖺𝗒 𝗍𝗋𝗎𝗅𝗒 𝗃𝗈𝗒𝖿𝗎𝗅.

ito ang unang event ko sa taon na ito, at masasabi kong napakagandang bungad nito sa akin. Matagal ng nakapag inquire sakin si client, mula sa pag aayos ng flow ng event ay nagkaisa kami gayundin sa mga changes at request nila.

hanggang sa dumating na ang takdang oras ng selebrasyon, dalawang sorpresa ang inihanda para sa napaka special na babae at kaniyang pamilya. Una ay ang mismong event o paghahanda na walang kamalay malay ang celebrant na may inihanda para sa kaniya. Pagpasok pa lang niya sa venue ay tuluyan ng bumuhos ang kaniyang mga luha. Hindi na nga siya nakapagsalita dahil sa labis na tuwang kaniyang nararamdaman.

bilang isang host, dahil nga may sorpresa pa na isa ay ginawan ko ito ng twist. Para po sa kaaalaman ng lahat, ang dalawang anak ng celebrant ay nasa ibang bansa. Hindi alam ni celebrant na makakauwi yung anak niyang bunso sa babae. Nagpahanda ako ng isang video greetings mula sa kanila ng sa gayun ay walang pagdududa yung celebrant.

Sa pagpasok ng kaniyang anak, bumuhos na ang luha ng karamihan. Ang mga balahibo ko ay tumayo dahil ang puso ko ay labis din na natutuwa. Saksi ang Virlls Tambayan and Events Place People kung paanong naubos ang napaka-kapal na tissue ng dahil sa iyak ng madla na ang dahilan naman ay saya. Isa ito sa napakagandang event na naisabuhay ko, napaka bait ng pamilya nila.

Maraming salamat po sa tiwala ninyo sa akin, sa mga nagpapicture sana naman po ay maisend niyo sakin kahit di ko kayo kilala isa isa haha. Salamat po sa regalo na pamango, chocolate, cash, and euro cash hihi super appreciated. Yung mga yakap niyo po sakin at todo pasasalamat ay nakakagaan sa puso. Bilang isang host, nakakapagod man ang pabalik balik mula Manila to Batangas ay hindi iyon hadlang dahil masaya ako sa ginagawa ko. Masaya ako napapasaya ko po kayo!🥺❤️

for inquiries, kindly send a direct message
to my social media accounts;

fb: Rona Roz
ig: missronarozqt
fb page: Host Rona Roz

Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment in Batangas City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Batangas City
4200