Bay Municipal Sigma Council
Community service , Events , Promotion etc.
15/06/2026
📚✏️ LAPIS AT PAPEL PROJECT PART 1✏️📚
Ang edukasyon ay isa sa pinakamahalagang puhunan para sa kinabukasan ng ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng Lapis at Papel Project, matagumpay na nakapagbigay ng school supplies ang Bay Municipal Sigma Council sa mga Kindergarten learners ng Tranca Elementary School.
Nawa'y magsilbing inspirasyon at suporta ang munting handog na ito sa kanilang paglalakbay tungo sa pagkatuto at pag-abot ng kanilang mga pangarap. Ang bawat lapis at papel na naipamahagi ay simbolo ng ating paniniwala na ang bawat bata ay may karapatang magkaroon ng mas magandang oportunidad sa edukasyon.
Taos-pusong pasasalamat kina Konsi Tristan "Boy" Martinez, Konsi Angelo "Iyong" Banaag, at Gerard "Ungot" Martinez sa inyong pagsuporta at malasakit sa proyektong naglalayong makatulong sa ating komunidad. Ang inyong kabutihang-loob ay naging malaking bahagi ng tagumpay ng programang ito.
Patuloy nating isabuhay ang diwa ng serbisyo, pagkakaisa, at pagmamalasakit para sa mas maliwanag na kinabukasan ng susunod na henerasyon.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Website
Address
Brgy. Dila
Bay
4033