ALS Pangasinan II

ALS Pangasinan II

Share

EDUCATION PROGRAM SPECIALIST II- ALS

12/06/2024

Kaya kalma lang sa mga nahinto sa pag-aaral
Andito po ang ALS program para muling makamit ang tagumpay sa Buhay....
Sa lahat ng gustong mag-aral muli na kabilang sa OSY, OSA, Senior Citizens, PWD's, PDL's
at Sped learners at maging mga OFW's....

Ano pang hinihintay nyo?
Mag-enrol na sa ALS Pangasinan II

Hindi pa huli ang lahat....
❤️💚💙

12/06/2024

MENSAHE PARA SA IKA-126 NA ARAW NG KALAYAAN
June 12, 2024

Nakikiisa ako sa ating mga kababayan sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Ang araw na ito ay isang pag-alala at pagkilala sa ating mga bayani, sa lahat ng sakripisyo nila para sa ating kalayaan at kasarinlan.

Ito ay isa ring palala sa atin na ipagpatuloy natin ang pagtutulungan at pagkakaisa tungo sa isang matatag, mapayapa, at maunlad na bansang Pilipinas.

Muli, isang makabuluhang paggunita ng Araw ng Kalayaan sa ating lahat.

SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines
Secretary of the Department of Education

11/06/2024

👀⬇️‼️
MAG-ENROL NA SA ALS

PARA KANINO ANG ALS?
Ang ALS ay para sa lahat ng gustong ipagpatuloy ang pag-aaral na may edad 13 pataas sa elementarya at 16 pataas sa Junior High School.

ANO ANG KAILANGAN PARA MAKAPAG-ENROL?
Kailangan lamang ng kopya ng iyong Birth Certificate mula sa PSA o Local Civil Registrar. Kailangan din ang iyong Form 137/SF 10 (Permanent Record) o Form 138 (Report Card) mula sa dati mong eskwelahan.

KAILAN AT PAANO MAG-ENROL?
Maaaring mag-enrol sa ALS sa kahit anumang araw. Sa pinakamalapit na paaralan sa inyong lugar.

MAY KAILANGAN BANG BAYARAN SA ALS?
Libre po at walang bayad ang pag-aaral sa ALS.

❤️💚💙

Photos from ALS Pangasinan II's post 11/06/2024

ALS ENROLLMENT FOR BATCH 2024-2025 📢
Sa mga nagtatanong ng "Paano po mag enroll ng ALS sa Puso sa Puso Edukasyon, Inc?"
Ang Puso sa Puso Edukasyon, Inc., ay muli na po tumatanggap ng mag-aaral sa ALS o Alternative Learning System para sa Panuruang Taon 2024-2025.
Sa mga nagnanais na makapagtapos o maipagpatuloy ang pag-aaral, kayo po ay malugod na tinatanggap na mag-enrol sa aming Learning Center.
Manual Enrollment
Sa mga nais po magpatala ngunit walang access online, mangyari lamang po na Pumunta sa center at kumuha ng ENROLLMENT FORM.
MGA KAILANGAN SA PAGPAPATALA KOPYA NG :
• PSA BIRTH CERTIFICATE
• BRGY CERTIFICATE
• LRN (Kung Meron)
12 TAONG GULANG PATAAS PARA SA MAG-EENROL NG ELEMENTARYA
16 TAONG GULANG PATAAS PARA SA MAG-EENROL NG SEKONDARYA.

Sa ALS May Pag-asa 👍👍👍
Sa ALS May second chance na matupad ang Inyong mga pangarap 🧳📚📝🗒️📌📕📖📚

❤️💚💙

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Binalonan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Binalonan
2436