Papi Ikoy
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Papi Ikoy, Youth Organization, BATINGAN, Binangonan.
08/12/2025
KANINA SA JOLLIBEE, NATAPON NG ISANG CREW YUNG FOOD NAMIN. ☹️
Saglit lang, pero ang bigat agad ng pumasok sa isip ko—
na malamang iaabono niya ’yon sa sahod niyang sapat lang para sa araw-araw.
Isang pagkakamali, ilang oras o araw na pagod ang kapalit.
Kaya hindi na ako nagdalawang-isip na magbayad ulit.
At kinausap ko ang cashier para masigurong hindi siya ang magbabayad ng natapon na pagkain.
Hindi dahil may extra ako—
kundi dahil alam kong mahirap maging minimum wage earner sa bansang ‘to.
Baka pagod si kuya.
Baka may iniisip na pamilya.
Baka kulang ang tulog, kulang ang pahinga, pero kailangan pumasok kasi walang leave ang gutom at bills.
Isang pagkakamali lang ’yon—
pero araw-araw, sobra-sobra naman ang binibigay nilang serbisyo.
Isang mahigpit na yakap sa lahat ng minimum wage earners.
Yung ngumingiti kahit pagod.
Yung nagse-serve kahit masakit na ang likod.
Yung bumabangon araw-araw kahit kulang ang sahod pero buo pa rin ang dignidad.
Deserve niyo ng mas mataas na sahod, mas respeto, at mas maayos na buhay.
Salamat sa araw-araw na sakripisyo ninyo. 🧡
02/12/2025
🖤🐝
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Culinary Team
Attire
Website
Address
BATINGAN
Binangonan