OSCA Binmaley
OFFICE FOR SENIOR CITIZENS AFFAIRS
05/12/2025
Isang mainit na pagbati kay Sir Leon Castro, ang ating masipag at kagalang-galang na OSCA Head, sa kanyang pagkakahalal bilang Vice President ng OSCAHAPโPangasinan.
Ginanap ngayong araw ang halalan sa El Jardine, Lingayen, Pangasinan, kung saan matagumpay siyang napili ng mga kapwa pinuno at kinatawan mula sa ibaโt ibang bayan ng lalawigan.
Ang kanyang pagkapanalo ay patunay ng kanyang dedikasyon, integridad, at walang sawang paglilingkod sa kapakanan ng ating mga nakatatanda. Nawaโy magsilbi itong inspirasyon para lalo pang mapaunlad ang mga programa at serbisyong inilalaan para sa ating mga Senior Citizens sa buong Pangasinan.
Muli, ang aming taos-pusong pagbati kay Sir Leon Castro sa karangalang ito.
02/10/2025
๐ฐ๐๐๐๐ข๐๐๐ฅ ๐๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐๐ง, ๐๐๐ข๐ง๐๐จ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ง๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฒ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐๐ซ๐ฅ๐ฒ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐๐๐๐ค ๐๐๐๐
Sa ika-lawang araw ng pagdiriwang ng 2025 National Celebration of Elderly Filipino Week na may temang โEmbracing Age: Living a Life with Dignity and Purpose,โ isinagawa ng Pamahalaang Lokal ng Binmaley ang isang Medical Mission para sa mga senior citizen sa Binmaley Evacuation Center ngayong Oktubre 2, 2025.
Pinangunahan ito ni Mayor Pedro A. Merrera III, kasama si OSCA Head Leon Castro, ang Rural Health Unit of Binmaley sa pamumuno ni Rose Anne P. Ferrer, at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pangunguna ni Governor Ramon Guico III.
Nag-alok ng ibaโt ibang serbisyong medikal para sa kalusugan at kagalingan ng mga nakatatanda.
Kabilang din sa mga tumulong sa pagbibigay ng serbisyong medikal sina:
- Dr. Klaudine Decena, MD
- Dr. John Marlou F. De Guzman, MD
- Dr. Olivan Y. Estrella, MD
- Dr. Virginia Delos Angeles, dating Municipal Dentist
- Dr. Reneland G. Buccat, kasalukuyang Municipal Dentist
Dumalo rin si First Lady Ana Merrera upang magbigay ng libreng gupit para sa mga lola, habang si Councilor Dr. Jun Carrera naman ay nagsagawa ng medical consultation.
Layunin ng aktibidad na ipakita ang patuloy na malasakit at pagbibigay-halaga ng lokal na pamahalaan sa ating mga Senior Citizen, ang mga haligi ng lipunan at tagapaghatid ng karunungan at pamana ng ating bayan.
02/10/2025
๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐
๐๐ก๐๐ฆ๐: "๐๐ฆ๐๐ซ๐๐๐ข๐ง๐ ๐๐ ๐: ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ง๐ ๐ ๐๐ข๐๐ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐๐ข๐ ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ซ๐ฉ๐จ๐ฌ๐"
๐ DAY 01 ACTIVITIES
๐๏ธ October 1, 2025
๐ Binmaley, Pangasinan
Ang opisyal na pagdiriwang ng Elderly Filipino Week 2025 sa Bayan ng Binmaley ay pormal na sinimulan sa pamamagitan ng isang Banal na Misa na ginanap sa Our Lady of Purification Parish, kasama ang mga senior citizen sa Bayan ng Binmaley.
Kasunod nito ay isang Zumba Wellness Session para sa mga nakatatandang miyembro ng komunidad bilang bahagi ng pagsusulong ng aktibong pamumuhay sa kanilang edad.
Ang mga aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Mayor Pedro A. Merrera III, kasama si OSCA Head Leon Castro, at buong pusong sinuportahan ni Binmaley First Lady Ana Merrera, na siyang naging pangunahing tagapagtaguyod ng Zumba session at naghandog ng lugaw para sa lahat ng loloโt lola na lumahok sa selebrasyon bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng mga senior citizens sa ating lipunan.
Ang Pamahalaang Bayan ng Binmaley ay naninindigan sa pagtataguyod ng mga programang nagbibigay-halaga at suporta sa ating mga nakatatanda tungo sa isang buhay na may dignidad, layunin, at sigla.
Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Binmaley ang adbokasiya para sa isang makabuluhan, aktibo, at may dignidad na pamumuhay ng ating mga nakatatanda.
โAng ating mga loloโt lola ay haligi ng ating lipunan โ nararapat lamang silang bigyang-pugay at alagaan.โ
06/09/2025
16/08/2025
๐๐ฏ๐๐ซ โฑ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ข๐ฌ๐๐ฎ๐ซ๐ฌ๐๐ ๐ฎ๐ง๐๐๐ซ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ฑ๐ฉ๐๐ง๐๐๐ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ง๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ฌ ๐๐๐ญ! ๐
The National Commission of Senior Citizens (NCSC) has successfully disbursed over โฑ1 billion worth of cash gifts to qualified Filipino senior citizens under the Expanded Centenarians Act (ECA), in recognition of their contributions and in celebration of reaching milestone ages.
As of 12 August 2025, the NCSC reported a total of 96,463 senior citizens who have received their cash gifts.
READ MORE HERE: https://www.ncsc.gov.ph/post/ncsc-releases-over-1-billion-cash-gifts-for-senior-citizens-under-expanded-centenarians-act
12/08/2025
09/08/2025
Ngayong araw ng Agosto 9, 2025 simula nang
Buwanang pagpupulong ng Barangay! Kasama ang ating OSCA Head Mr. Leon C. Castro Jr, pinag-usapan dito ang mga mahahalagang isyu at plano para sa ating minamahal na senior citizens.
Sa pagpupulong na ito tinalakay natin ang mga programa at serbisyo para sa ating mga senior citizen, tulad ng mga libreng gamot, health check-up, at mga aktibidad na para sa mga senior citizens.
Nakasama natin sa pagpupulong ang mga staff ng OSCA Binmaley, mga presidente ng iba't ibang barangay, at ang residente ng bawat barangay. Lahat ay nagkakaisa para sa ikabubuti ng ating organisasyon para matugunan ang lahat ng pangangailangan ng ating mga mahal na senior citizens.
Maraming salamat sa ating OSCA Head at sa lahat ng mga dumalo sa pagpupulong. Patuloy nating pagtutulungan ang pag-unlad ng ating barangay!
Expanded Centenarians Cash Gift Benefit
Republic Act. No. 11982.
Requirements for those Senior Citizens who are 80, 85, 90, 95, or 100.
For Local Applicants;
A.) Duly accomplished Application Form "Annex A";
B.) Any one (1) of the following primary documents:
1.) Certificate of Live Birth duly issued or Authenticated by the Philippine Statistics Authority (PSA);
2.) Photocopy of Philippine Identification System ID card / Philippine ID card / National ID card provided that the original copy must be presented.
C.) Recent 5.08 cm x 5.08 cm (2"x 2") ID picture
D.) Full body picture of the applicant printed on an A4 size bond/photo paper; and
E.) Applicant's inclusion to the endorsed list for validation issued by the Local Chief Executive.
For Applicants Living Abroad;
A.) Duly accomplished application form "Annex A";
B.) Any one (1) of the following primary documents:
1.) Valid Philippines Passport;
2.) Citizen Retention and Re-acquisition Certificate and Identification Certificate, or Order of Approval, or Oath of Allegiance, or Certificate of Attestation duly issued by the Philippine Embassy (PE) or Philippine Consulate General (PCG) of the Department of Foreign Affairs (DFA) who has jurisdiction in the area where the applicant resides.
C.) Recent 5.08 cm x 5.08 cm (2"x 2") ID picture
D.) Full body picture of the applicant printed on an A4 size bond/photo paper; and
E.) Applicant's inclusion to the endorsed list issued by the PE/Consulate or the DFA or the Department of Migrant Workers (DMW) or the Commission on Filipinos Overseas (CFO).
Requirements For Deceased Potential Beneficiaries
A.) Original death certificate.
B.) Photocopy of a valid ID of the nearest relative.
C.) Photocopy of proof of relationship (e.g., birth or marriage certificate).
D.) If multiple relatives, a settlement must authorize one to receive the benefits and a release from liability form (Annex "B").
Location: OSCA Office / Binmaley Evacuation Center.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Poblacion
Binmaley
2417
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |