LAKAS High School - Botolan, Zambales
This is the official account of LAKAS High School, an inclusive and diverse institution.
31/03/2026
MARSO 30, 2026- UMAGA
Sa makabuluhang araw na ito ng pagtatapos, ipinagdiriwang natin hindi lamang ang tagumpay, kundi ang katatagan, lakas ng loob, at mga pangarap ng ating mga magaaral. Ang araw na ito ay patunay na walang pangarap na imposible at walang landas na hindi kayang tahakin kung may tiyaga, pananampalataya, at pagkakaisa.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa ating mga panauhin—Sir CHUM FLORES, TVET Consultant, bilang guest speaker at Sir CHARLIE CARREON, Chief Education Supervisor-CID, monitoring supervisor—na nagbahagi ng kaalaman at inspirasyon sa ating mga nagsipagtapos.
Sa ating mga completers, graduates at mga magaaral, ang tagumpay na ito ay bunga ng inyong sipag at pagpupunyagi. Nalampasan ninyo ang mga hamon nang may dangal at tapang. Dalhin ninyo ang inyong pagkakakilanlan, kultura, at mga pangarap habang patuloy kayong lumalakad tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.
Sa mga magulang, g**o, pamayanana, at stakeholders—maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pagmamahal. Kayo ang naging gabay at lakas sa bawat hakbang ng ating mga mag-aaral.
Ang pagtatapos na ito ay hindi katapusan, kundi simula ng mas malawak na paglalakbay. Nawa’y magpatuloy kayong mangarap, magsikap, at manalig sa inyong kakayahan.
Malugod na pagbati sa lahat ng graduates at completers! Ipagpatuloy ninyo ang pagningning at pag-abot sa inyong mga pangarap.
PAPURI SA PANGINOON SA ARAW NA ITO!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
LAKAS Pamayanan, Bihawo-Villar
Botolan
2202