IRM Ministries Km 38

IRM Ministries Km 38

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from IRM Ministries Km 38, Religious organisation, Km. 38 Pulong Buhangin, Santa Maria, Bulacan.

28/05/2026

1 Corinthians 15
Shared by: Bro. Florencio Angeles
Ayon sa nakasulat si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan.At siya'y inilibing at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw .At siya'y napakita Kay Cefas at sa labing dalawa.Nagpakita rin sa mahigit limang dang kapatid.Saka napakita kay Santiago,at Saka sa lahat ng mga Apostol.
Datapuwat kung walang pagkabuhay na mag uli ng mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo.At kung si Cristo'y Hindi muling binuhay,ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral,wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya.
At kung si Cristo ay hindi muling binuhay ,ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan kayo'y nasa inyong mga kasalanan pa.
At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kanya,kung magkagayo'y ang Anak rin Ang pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kanya upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.

Panalangin
Ama namin na makapangyarihan na pinagmulan ng lahat ng bagay.Buong puso po kaming nagpapasalamat sa mga pagpapalang ipinagkakaloob mo po sa Amin. Alam po namin kaya binuhay na mang muli si Cristo para sa aming pananampalataya at muling binuhay para sa aming mga kasalanan.Kung hindi po binuhay na mang muli ang aming Panginoong Jesucristo baka hanggang ngayon ay nanatili pa kami sa aming mga kasalanan
Kaya nagpapasalamat po kami sa aming Panginoong tagapagligtas na si JesuCristo .

Amen.

27/05/2026

Kal-Kab Life group

Photos from IRM Ministries Km 38's post 27/05/2026

Bible Study at Tierra De Santa Maria

26/05/2026

DEVOTION:
1 CORINTO 13
shared by: Bro. Albert Regala

Isinulat ito ni Apostol Pablo sa iglesya sa Corinto upang sila ay paalalahan at ituwid. Mababasa natin sa 1 Corinto 12 at 1 Corinto 14( Mainam na basahin natin ang naunang chapter, ang 1 Cor 12 at sumunod na chapter ang 1 Cor 14) na marami sa kanila ay may mga kaloob o spiritual gift ngunit nkita ni Pablo na ang ibay nagkakabaha-bahagi, magulo, mapagkumpitensya at mayabang sa Spiritul gift. Kaya nmn isinulat niya ang 1 Cor 13 na may sub-title na "Ang Pag-ibig" sa biblia kong MBB version. Verses 1-3 Ipinapaliwanag nya dto na anumang kaloob mayroon ang mga taga Corinto ay maituturing niyang walang saysay kung wala silang pag-ibig. At sa Verses 4-7 nmn ay binanggit niya ang 15 katangian ng Pag-ibig.
1. Ang pag-ibig ay matiyaga
2. Magandang loob
3. Hindi nananaghili
4. Hindi nagmamapuri
5. Hindi nagmamataas
6. Hindi magaspang ang pag-uugali
7. Hindi makasarili
8. Hindi magagalitin
9. Hindi mapagtanim sa kapwa
10. Hindi ikinatutuwa ang gawang masama
11. Ngunit ikinagagalak ang katotohanan
12. Ang pag-ibig ay mapagbata
13. Mapagtiwala
14. Puno ng pag-asa
15. Nagtitiyaga hanggang wakas.

Batid nmn cguro natin na ang pinakapuso ng BIBLIA ay ang Juan 3:16 (nawa po ang lahat sa atin ay mainam na kabisado ito😊) sapagkat kung kabisado mo itong talatang ito ay makapagccmula ka na magbahagi ng SALVATION πŸ™πŸ™πŸ™.

ito pa ang mga karagdagang talata na mainam na makabisado natin.
Hebreo 9:27
Roma 3:23
Roma 3:10
Roma 6:23
Efeso 2:8-9
(mainam na magbukas po tyo ng ating mga biblia upang tyo na mismo ang maghanap at mabasa ang mga talatang ito😊)
Alam nmn natin ang great commission sa ating mga pinili ng Diyos o ang Dakilang atas sa Mateo 28:19-20 na kung papaanong hindi pa bumabalik ang Panginoong Jesus ay dhil nais nyang tyong lhat ay maligtas(pki basa nlng ang aklat ng 2 Pedro 3)
Wala ding saysay kung marami mang tyong alam na talata sa bibliya kung hindi nmn ntin ito naisasabuhay.

PANALANGIN:
Banal at Dakilang Diyos... Lubos po kming nagpapasalamat sa kadakilaan ng iyong pag-ibig na ipinamalas at ipinadama sa amin. Na sa kbila po ng aming mga karumihan at kasalanan ay minarapat mong ang iyong bugtong na Anak na si Jesus ay magkatawang tao at iwan ang kanyang pagka-Diyos upang dumanas ng hirap at pasakit maging ng kanyang kamatayan sa krus ng Kalbaryo upang tubusin lamang kmi sa lhat ng aming mga pagkakasala😒 kung paanong inibig mo po kmi noon kmi ay makasalanan pa. Kaya nmn o Diyos tulungan mo po kmi at bigyan ng lakas ng loob upang maibahagi nmn sa iba ang GOSPEL. Tulungan mo din po kming paalalahanan ang pagdalo palagi sa mga pagtitipon kagaya sa aklat ng Hebreo 10:25 at ganoon din araw-araw nming basahin ang mga SALITA Mo. Palaging magtiwala lamang syo at maging mapagpasalamat sa mga biyaya o khit sa pagsubok man.
Tanggapin mo po o Diyos ang aking papuri sayo ang kabanalan at kaluwalhatian ay tanging syo po lamang.... Ito po ang aking dalangin na may taos pusong pasasalamat sa Tanging pangalan po lamang ng inyong bugtong na Anak na si Jesus na aming Panginoon.... Amen and AmenπŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™

25/05/2026

Your Grace is Enough/Forever God is Faithful

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Bulacan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Km. 38 Pulong Buhangin, Santa Maria
Bulacan
3022