QvantCorp

QvantCorp

Share

DMSTMS Facebook Official Page

18/05/2024

MEMORANDUM: ACC-05182024-245

PAGPAPATUPAD NG FACE -TO-FACE LEARNING MODALITY SA LAHAT NG ANTAS NG MGA PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN

Ito ay patungkol sa patuloy na pagsubaybay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa kalalagayan ng heat index na nararanasan sa ating lalawigan. Ito ay bumaba na sa 36 hanggang 40 degrees Celsius, subalit nananatili pa rin sa kategoryang "Extreme Caution

Sa pagbaba ng temperatura ng heat index, binibigyan ng pangunahing importansya ng Pamahalaang Panlalawigan ang kalusugan at kaligtasan ng mga Bulakenyo, ngunit mahalaga rin ang pagsasagawa na ng mahahalagang gawain at gampanin ng mga g**o at mag-aaral sa loob mismo ng paaralan.

Dahil dito at ayon sa napagpasyahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), itinatagubilin ang pagpapatupad ng Face-to-Face Learning Modality sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan mula sa ika-20 ng Mayo 2024 hanggang sa maglabas ng panibagong direktiba patungkol sa ipatutupad na learning modality.

Kaugnay ng pagpapatupad nito at sa pagpapatuloy ng mga gawain ng mga paaralan, mahigpit na pinapaalalahanan ang lahat na tiyaking nasusunod ang mga preventive measures upang maiwasan ang pagkakaroon ng suliranin sa kalusugan ng ating mga mag-aaral. Tiyakin din na may sapat na pahinga ang mga mag-aaral at probisyon ng pamatid-uhaw.

Mangyaring makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Punong Lalawigan o sa PDRRMC kung sakaling may malalaman na nangangailangan ng tulong ng ating pamahalaan. Itinatagubilin ang pagiging alerto at pag-iingat ng bawat isa.

Para sa inyong mahigpit na pagtalima.

ALEXIS C. CASTRO
Nanunumparang Punong Lalawigan

13/05/2024

A heartfelt congratulations to the Newly Elected SELG Officers of Dr.Manuel S. Tansinsin Memorial School for the School Year 2024-2025.

May your term be filled with growth, success and memorable experiences.

Want your school to be the top-listed School/college in Bulacan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Bulacan