Juan Project PH

Juan Project PH

Share

Juan Project PH is a non-partisan, youth-led organization dedicated to community transformation and empowering young people.

Photos from Juan Project PH's post 04/06/2026

It’s EskwelaJUAN time! πŸ“šβœοΈ

Oras na ang pagbibigay pag-asa sa ating batang Juan! Magkita-kita tayo sa Linggo, ika-7 ng Hunyo, sa Santa Maria, Bulacan! 🚌

Ang Juan Project PH ay bukas sa mga nagnanais mag-donate ng school supplies upang maipamahagi sa mga kabataan para sa nalalapit nilang balik-eskwela.

Para sa mga nais na magbigay ng school supplies, kami po ay tumatanngap ng:
Notebooks
Pad Papers
Pencils
Pens
Erasers
Sharpeners
Crayons
Coloring Books
Preloved Children Books

Mangyaring i-message ang aming FB page kaugnay sa detalye ng drop-off location ng mga school supplies.πŸ“

Para sa mga monetary o financial donations, maaari ninyong i-scan ang QR code.

Maging kabahagi ng ating bayanihan, Juan! 🌟

Photos from Juan Project PH's post 02/06/2026

LOOK: 2nd Batch of Juan Caravan 8: Unlocking Potential, Guide for College Entrance Exam Readiness πŸ“

Matagumpay na isinagawa noong Linggo, May 31 ang isa na namang Free College Entrance Exam Review para sa mga Grade 11 at Grade 12 students. Layunin nitong mabigyan ang mga kabataan ng kaalaman at paghahandang kinakailangan nila para sa buhay-kolehiyo. 🏫

Photos from Juan Project PH's post 28/05/2026

LOOK: Pilot Run of JPPH’s Street Education Program

Noong nakaraang Linggo, ika-24 ng Mayo, matagumpay na isinagawa ng Juan Project PH ang pilot run ng Juan Kabataan 2: Aral na G! Magbasahan sa Kalye Aklatan. Layunin ng programang ito na maihatid sa mga bata ang edukasyon kung saan malaya silang makapagbabasa, makapagsusulat, at makapagkukulay.

Lubos tayong nagpapasalamat sa lahat ng mga volunteers, donors, at naging bahagi ng programang ito.

Itutuloy-tuloy natin ang programang ito hanggang sa susunod na mga linggo. Kitakits, Juan!

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Bulacan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Bulacan