SPCY-Sumandig
Kabataan Ang Pag-Asa Ng Bayan
07/05/2024
Halina't sama-sama nating parangalan si Maria!
Simula Ika-6 hanggang 14 ng Mayo ay ating gaganapin ang Pagdarasal ng rosaryo at susundan ng Pag-aalay ng bulaklak kay Maria sa ganap na ika-5pm ng hapon. Sa ika-15 ng Mayo ay magkakaroon ng Banal na misa sa ganap na ika-4pm ng hapon at susundan ng prusisyon sa ganap na ika-5pm ng hapon na kasabay ng ating Sagalahan. Sa ganap na ika-7pm ng gabi ay ating gaganapin ang Pag-aalay ng bulaklak sa ating Inang si Maria.
Maraming Salamat po!
"God is Good, All the Time"
20/01/2024
Enero 21: Kapistahan ng Sto. Niño
"Kinalong ni Jesus ang mga bata, ipinatong ang Kanyang mga kamay sa kanila at pinagpala sila."
Mass Presider: Rev. Fr. Angelito S. Santiago
-SPCY/SPPC SUMANDIG
07/01/2024
December 28, 2023
Street dancing handog ng SPCY at SPPC SUMANDIG sa Mahal na Poong San Isidro Labrador 💃
07/01/2024
Pamparokyang Takbo (Fun Run 2024)
Na pangungunahan ng Parish Commission on Youth (PCY) na may temang "Sama-samang Pagtakbo Patungo Kay Kristo".
Ang Liwanag ng ating Pag-asa ay ating matutunghayan sa pakikiisa at pakikibahagi sa Banal na Takbo para hubugin ang ating buhay Pananampalataya patungong Kabanalan.
Ito ay isang aktibidad na naglalayong palalimin ang pag-unawa sa ating buhay, pagtaguyod ng matatag na pananampalataya,at pagsusulong ng pagkakaisa sa ating Panginoon. At bahagi nito ay pakikiisa sa paggawa ng kabutihan para sa buhay ng ibang tao.
Registration Fee: 200 pesos with T-shirt
Location : Simula Parokya,iikot ng new site palabas ng gracepark at pabalik ng parokya.
When:
January 27,2024(Saturday)
Ito ay uumpisahan sa ganap na ika -4:00 ng umaga hanggang ika-9:00 ng umaga
Sa ganap na ika-4:00 ng umaga ay magkakaroon tayo ng banal na misa na Pangungunahan ng ating mahal na kura paroko, Rev. Fr. Angelito S. Santiago
Prizes
1st place: 1,500php
2nd place : 1,000php
3rd place : 500php
-Sa mga may katanungan, maari niyo pong i pm ang President ng PCY through her facebook account : Jessica Zosa
Maraming Salamat po!
"God is Good, All the Time "
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Sumandig San Ildefonso Bulacan
Bulacan