InspiwriteTion

InspiwriteTion

Share

Nagpapamulat sa larangang pagsulat

15/07/2021

You're always be the subject in every poem that i'll make.

10/07/2021

Request?
-
-
Something that hurt's if i can't fullfil it.

13/02/2021

Pain?
-
-
Something i give you and i get more

08/11/2020

Mahal Ko o Mahal Ako

Kung ako'y pa--pipiliin
Doon ako sa mahal ako
Dahil kahit sino maaari nating mahalin
Ngunit iilan lamang ang magmamahal sa atin

Mahal ko nga di naman ako mahal
Tipong tumakbo ako pero di ako na halal
Sa ninanais kong puwesto
At yun ay sa kaniyang puso

Kaya doon ako sa mahal ako
Sapagkat nakasisiguradong di maloloko
Dahil ako'y kaniyang gusto
At siya'y gugustuhin ko ng husto

-DoTCom

13/10/2020

"Puso teka! Isip muna! Alamin ang mali at tama"

Isa sa mali mong nagawa,
Yung pumili ka saming dalawa
Tapos ang pinili mo ay siya
Siya na, napag dating sa dulo ay iniwan ka

Sabi ko naman kase sayo wag basta pili
Isipin mo muna kung ano ang makakabuti
Kase kung ako sana ang iyong pinili
Di kana sana nakakaramdam ng pighati

Kase sa una pa lang ay alam na
Alam na, na ang motibo ay saktan ka
Tapos pag iniwan ka,ikaw ay mag dadrama
Sasabihin mo na, lahat ng lalaki pare-parehas lang sila

Hindi lahat ng lalaki ay ganoon sa iyong akala
Kase mas pinili mo munang mag ka jowa bago mag tiwala
Dapat kase tiwala muna bago saya
Baka pag dating sa dulo ang saya maging malungkot na

Pero hindi naman talaga kita masisisi
Kase hindi naman talaga ako kapili pili
Isa lamang akong normal na lalaki
Yung maraming kapintasan sa sarili

Pero kaming mga ganito
Nais din naming makaramdam ng maayos na pag trato,
Yung tanggap kami sa kung anong meron kami
Yung tanggap lahat ng kapintasan namin
Yung tatanggapin kami ng buong buo
Yung kami yung pipiliin sa kahit anong aspeto

Di porket gwapo ay siya na
Di ko din naman sinasabi na pare-parehas lang sila
Ang saakin lang,huwag muna agad basta mag tiwala
Kase ang tiwala,pag nasira ay malabo nang maibalik pa

Siguro ganoon ang nangyari sayo
Yung lalaking minahal at sineryoso mo,
Ay niloko ka ng husto
Kaya ganoon na lang ang pagtanggi
mo,
Pagtanggi mo sa alok ko,
Na balang araw ay maging kasintahan mo,
Siguro nahihirapan kana ulit magtiwala
Lalo na't nasaktan ka ng sobra

Pasensya kana kung ako'y makulit
Pasensya kana rin kung ako'y mapilit
Nais ko lang naman iparamdam sayo, na ako'y handang maging sandalan mo,
Sandalan sa lahat ng bagay
Mapa-pamilya man yan o sa pag aaral

Ipaparamdam ko sayo ang pagmamahal na nais mong makamtan,
Pangako sa sarili na hinding hindi ka sasaktan,
At kapag dumating ang araw na ako'y payagan at maging tayo na,
Sa unang araw pa lang ay ipaparamdam na ang saya,
Pero alam ko na sa isang relasyon ay hindi lang puro saya,
Nandyan ang mga pagsubok at problema
Pero pangako kahit gaano pa kahirap yan
Ay wala akong balak sumuway sa ating pinag usapan,
Pinag usapan na hanggang sa dulo ay magkasama,
Na pagdating ng panahon ay bubuo ng sariling pamilya,
Pamilya na papanatiliin ang ligaya

Hindi hahayaan na manumbalik ang kalungkutan,
Ipapadama sayo ang wagas na pagmamahalan,
Ikaw ang magiging reyna ng aking kaharian,
At ako naman ang magiging hari na handa kang protektahan

✍️DoTCom

----Repost lng

Want your business to be the top-listed Media Company in Cabuyao?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Cabuyao