Jane's Library

Jane's Library

Share

I only post my stories here! 📝
Enjoy reading!đź“•

30/06/2023

C R I S T I N A

Written by: Jane

CHAPTER 16

Ilang buwan nang nakalipas at palagi nalang wala sa sarili si Dina, lage rin siyang napapagalitan ng kaniyang ama lalo na kapag ito ay lasing. Palaging ibinabalik ng kaniyang ama ang lahat ng ginawa niya at araw araw itong sinusumbat sa kaniya

Wala namang magawa si Dina kundi ang mag tiis dahil bukod sa wala siyang trabaho Na mapapasukan ay wala rin siyang ibang mapupuntahan, hindi noon palakaibigan si Dina dahil masyadong mahigpit ang kaniyang mga magulang sa kaniya at lage lang siyang nasa bahay kaya naman ay wala siyang kaibigang masasandalan.

Dumating ang araw ng kapanganakan niya at dahil kapos sila noon ay sa kanilang bahay lang siya nanganak

“Lalaki” Ani ng matandang nagpaanak Kay Dina habang naka ngiti ito

Walang ganang iniwas ni Dina ang tingin sa batang iniluwal niya

“Anong pangalan niya anak?” tanong ng ina ni Dina

“Toni” matabang Na sagot ni Dina

Agad namang binihisan ni Nilda ang apo pagkatapos ay tinawag si Tina

“Tina? Halika muna dito” tawag ni Nilda sa apo. Lumapit naman si Tina at pinag masdan ang kaniyang kapatid Na natutulog, napangiti nalang siya sa tuwa dahil sa wakas ay pakiramdam niya hindi Na siya nag-iisa

__________

2 YEARS LATER

“HAPPY NEW YEAR!!!!!” Sabay sabay Na sigaw ng buong pamilya ni Dina at sama sama nilang sinalubong ang bagong taon

“wow! Ang ganda!” sabay Na sigaw Nina Mae at Jun Na manghang-mangha sa fireworks mula sa di kalayuan, habang naka ngiti lang Na pinagmasdan ni Tina ang kalangitan dahil bukod sa fireworks ay marami ring mga bituin roon

“Bituwin” mahinang sambit ni Tina sa kawalan habang naka ngiti

Masayang- masaya ang buong pamilya ng gabing iyon at sabay sabay rin nilang pinag saluhan ang munting handa nila sa mesa

Lumipas ang mga buwan at bumalik na naman sa dati ang buhay ni Dina Na palagi lang wala sa sarili dahil palagi Na naman siyang pinapagalitan ng ama

Kaya napag pasyahan ni Dina na lumayas at isinama niya rin ang kaniyang dalawang anak Na si Tina at Toni, balak niya ihatid ang dalawa sa kanilang ama at iwan sila doon

Ang akala ni Dina ay mamahalin ng kaniyang asawa ang kanilang mga anak ngunit kabaliktaran pala ang mangyayari at wala siyang kaalam-alam sa sasapitin ng kaniyang mga anak roon sa k**ay ng kanilang ama

-to be continued-
âš Do not copy this story without the author's permissionâš 

30/06/2023

C R I S T I N A

Written by: Jane

CHAPTER 15

Poging’s POV_

Kasalukoyan akong nagpuputol ng mga kahoy para panggatong namin nang may marinig akong tawag saakin, tumigil ako sa pag puputol ng kahoy at tumingin ako sa direksyon kung saan nanggagaling ang boses

Si Jun pala, ang pangalawa Kong anak at nag iisang lalaki ngunit minsan nag tataka ako kung lalaki ba Ito oh..ayuko nang isipin dahil umiinit lang ang ulo ko pag ganoon
“Baket kaba sumisigaw!? At pwede ba!? Ayusin mo iyang sigaw mo para kang babae kung tumili!” Galit Na salubong ko sa kaniya

Tumigil muna siya sa kakatili at humihingal habang naka tingin sa akin Na para bang natatakot

“P-Papa s-si..” utal-utal Na sabi niya habang hingal parin ng hingal

“Ano ba iyon?” tanong ko habang nagka dikit ang dalawang kilay

“S-si a-ate p-pa m-may..g-ga..g-ganon l-lu..l-lub-bid..l-le-eg” utal utal parin Na sabi niya habang humihingal at para bang natatakot parin

Agad ko namang naintindihan ang ibig niyang sabihin at dali dali akong tumakbo patungo sa bahay, pumasok ako sa loob at nag tungo sa kusina pagkatapos ay sa sala, nang nasa sala Na ako liningon ko ang kwarto niya at dali dali akong pumasok sa loob

Pagka pasuk ko ay nakita ko si Dina Na naka bitay sa kisame, agad Kong binunut ang itak Na nakatali lang sa aking tagiliran at pinutol ko agad ang lubid

Isang hampas ng aking itak ay putol agad ang lubid at bumagsak si Dina sa sahig, dali dali kong hinawakan ang palapulsohan niya at nakahinga naman ako ng maluwag nang mapagtanto ko Na huminga pa siya

__________

Dina’s POV_

Nagising nalang ako dahil sa malakas na sampal sa aking mukha at medyo basa pa ako, para akong binuhosan ng tubig

Tumingala ako at nakita ko si Papa Na may hawak na balde

“Walang hiya ka! Mag papak**atay ka at idadamay mo pa iyang bata Na nasa sinapupunan mo!?” bulyaw agad ni Papa saakin

Hindi ko alam ang isasagot ko sa aking ama kaya humagulgol nalang ako

“Mag papak**atay ka dahil lang sa lalaking iyon!? SA WALANG KWENTANG LALAKING IYON!? AT IDADAMAY MO PA ANG ANAK MO SA KAHIBANGAN MO!” pag sisirmon ni Papa sa akin

“Anong nangyari dito?” si mama Na halatang kakarating lang galing trabaho

“Pag sabihan mo iyang anak mo Nilda!” galit parin Na sambit ni Papa saka lumabas ng kwarto

Agad namang lumapit si mama saakin at inalalayan akong tumayo at pina upo sa k**a

“Ano bang nangyari Dina at baket may..” hindi natapos ang sasabihin ni mama ng makita niya ang putol Na lubid Na nakatali parin sa leeg ko, tumingala naman siya at napatakip nalang ng kaniyang bibig ng makita niya mula sa kisame ang kadugtong ng lubid Na nasa leeg kong nakatali pa sa kisame

“Dina! Baket mo ginawa iyon!?” galit Na tanong ni mama sa akin at ang tanging nagawa ko lang ay ang yumuko at umiyak

Hindi ko Na alam kung ano Na ang ginagawa ko, hindi ako makapag isip ng maayus. Galit Na ako sa lahat at kahit itong bata Na nasa sinapupunan ko ay idinamay ko narin, umabot pa ako sa punto na gusto ko nang malaglag itong nasa sinapupunan ko

Ginawa ko ang lahat para mawala siya, tumalontalon ako at uminom rin ako ng kung ano-ano para mawala Na siya pero p*tang*na baket hindi ito ma tanggal tanggal!

Napuno ng galit ang dibdib ko at iyon din ang simula ng pagbabago ko

-to be continued-
âš Do not copy this story without the author's permissionâš 

28/06/2023

C R I S T I N A

Written by: Jane

CHAPTER 12

Ilang araw na ang lumipas at di parin umuuwi si Dodong, mabuti nalang at nandiyan ang biyanan ni Dina na si Nestor na siyang tumutulong sa kaniya paminsan-minsan

Nagka sugat sugat narin ang mga paa ni Dina gawa ng Makati ang kagat ng maliliit na lamok at naging mas sensitibo ang kaniyang balat gawa ng siya ay buntis

Ang kaniyang biyanan nalang ang nag hahatid ng makakain nilang mag-ina minsa naman ay wala silang makain kaya nap**ilitan siya manguha ng mga ubi oh di kaya ay kamoting-kahoy para kahit papaano ay malamanan ang kanilang tiyan

Isang araw umuwi si Dodong at wala na naman itong dala na kahit ano

“baket ngayon kalang umuwi?” tanong ni Dina sa kakarating lang na asawa

“ano bang ulam?” tanong nito at di pinansin ang tanong ni Dina sa kaniya

“wala na kaming kain D**g! Ilang araw kang wala dito sa bahay at iyong ama mo lang ang nag hahatid sa amin dito ng makakain namin, ano ka ba naman? Hindi mo na ba akong mahal? Baket mo ako ginaganito D**g!?” Galit na bulalas ni Dina

“oh may nag hahatid naman pala ng pagkain niyo dito e baket kapa galit?” walang ganang sagot ni Dodong sa asawa

“p*tang*na naman D**g! Hindi kaba nahihiya sa tatay mo!? Pamilya mo kami! Baket mo ipinapasa sa ama mo ang responsibilidad mo sa amin!” Galit na sigaw ni Dina sa asawa

“alam mo Dina ang ingay-ingay mo kakarating ko lang e!” sagot ni Dodong at padabog na umupo sa upoan

“buntis ako D**g! Buntis ako!” bulyaw ni Dina sa asawa at di na niya napigilan ang mga luha na lumandas na sa kaniyang pisngi

“buntis ka, oh e ano ngayon?” sagot lang niya at tinapunan ng malamig na tingin si Dina

Napahilamos nalang ng k**ay si Dina sa mukha sa di malaman kung ano pa ang sasabihin niya sa asawa niya dahil kahit ano pang sabihin niya sa asawa ay di parin nito maintindihan ang gusto niya

“alam mo ang problema sayo? Ang arte-arte mo kase aminin mo nalang na napilitan kalang na sumama sakin dito noon dahil wala kang choice! Hindi naman ako gusto ng mga magulang mo diba? E baket kapa sumunod sakin dito? Baket kapa nandito?” ani Dodong

“ano? Ako napilitan?” sabay turo ni Dina sa sarili

“Sumama ako sayo dito sa inyu dahil mahal kita! Kahit malayo ang pamilya ko hindi ko inisip iyon dahil kasama naman kita! Pamilya tayo D**g! Kaya ba ha!? Kaya ba hindi mo man lang ipinaalam sa akin noong nakalaya ka e dahil ayaw mo na akong pumunta pa rito!? Ganon na iyon D**g? Sagotin mo ako!” galit na sigaw ni Dina sa asawa habang walang tigil na umaagos ang luha sa pisngi niya

Bumuntong hininga lamang si Dodong at lumapit kay Dina

“Oo Dina tama ka, sinadya kong huwag ipaalam sayo na nakalaya na ako noon dahil ayaw ko nang makita pa ang pag mumukha mo” malamig na lintanya ni Dodong sabay alis

Hindi naman nakagalaw si Dina dahil sa narinig mula sa bibig mismo ni Dodong

Napa upo nalang siya sa sahig at humagulgul nang walang tigil

Hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman sa dibdib niya

“baket? Baket ganito?” tanong ni Dina sa sarili habang umiiyak parin

“ano bang ginawa kong mali? Hindi ko talaga maintindihan, ano bang kulang ko?” ani Dina

Iyak lang ng iyak si Dina noong mga oras na iyon, hindi niya mawari kung ano ang gagawin at mararamdaman dahil sa bigat ng dibdib niya

_______

Lumipas ang mga araw at hindi parin umuuwi ang asawa niyang si Dodong at hirap na hirap na si Dina dahil wala siyang mapagkakakitaan at wala rin siyang mahihiraman ng pera dahil wala naman silang kapit bahay at paminsan minsan lang dumadalaw ang kaniyang biyanan dahil abal rin ito sa kaniyang mga tanim na siyang pinag kikitaan nito.
Maraming alagang manok si Dodong sa bukid at isang umaga ay na takam si Dina sa manok na pa lakad lakad sa labas ng bahay niya kaya dinakip niya ito at laking tuwa niya nang mahuli nga niya ito

Dali-dali niya itong niluto at pagkatapos ay sabay naman silang kumain ni Tina

“kain lang ng kain Tina” ani niya sa anak at tahimik lamang si Tina na kumakain

-to be continued-
âš Do not copy this story without the author's permissionâš 

20/06/2023

C R I S T I N A

Written by: Jane

CHAPTER 8

Dodong’s POV_

Kasalukuyan akong nag papahinga sa ilalim ng puno ng mangga habang pinag mamasdan ang kabuohan ng lupang pinag dadaruhan ko.

Mula sa kanang bulsa ko, dinukot ko ang isang maliit na supot na naglalaman ng ipinag babawal na halamang gamot at may kasama pa itong newspaper.

Nilatad ko ang newspaper at nilagay ko duon ang mga tuyong dahon na pinunit punit ko pa sa maliliit na piraso, napansin kong dumadaan si Tina ng patakbo-takbo ngunit hindi ko pinansin iyon

Binalik ko muli sa bulsa ko ang supot at pag tingin ko ulit sa nilatag kong newspaper kanina ay nakita ko nang nakaupo si Tina malapit doon, naka yuko s’ya sa newspaper

Tiningnan ko kung ano ang dinudungaw n’ya sa newspaper, nakita kong may mga imahe ng mga pagkain at iyon pala ang tinitingnan niya

Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari, bigla nalang pinulot ni Tina ang papel at kasabay non ang pag tapon ng mga dahon at ang iba naman ay nilipad ng hangin dahil nasa may daruhan kami kaya hindi ko na mapupulot ang mga lumipad na mga tuyong dahon ng ipinag babawal na halamang gamot

Sa subrang pagka bigla ko hindi ko agad na proseso sa utak ko ang ginawa ng anak ko at tiningnan ko lang ang mga dahon na nilipad ng hangin

Muli ko siyang tiningnan at nakita kong aliw na aliw s’ya habang pinag mamasdan ang imahe sa newspaper

Biglang uminit ang ulo ko at kinuha ko ang lubid na pinanghahampas ko sa baka kanina nong nagdadaro ako, hinawakan ko ang braso ni Tina at pinatayo ko siya

“Halika nga ditong bata ka!” sabay hila ko sa kanya

“Tingnan mo kung anong ginawa mo!” sabay turo ko sa mga natapon na mga dahon at pinag hahampas ko siya ng lubid na hawak ko

“Aray papa!” iyak na sigaw niya at patuloy ko pa s’yang hinahampas hanggang sa narinig ko nalang ang sigaw ni Dina at nabitawan si Tina

Nakita kong tumakbo si Tina papunta sa kaniyang ina at sinundan ko ito

“sa’n ka pupunta!? Hindi pa tayo tapos!” sigaw ko at sinundan ang anak ko

End of POV

______

Umalis si Dodong pagkatapos ng pag-aaway nila ni Dina

“letching mag-ina!” galit na saad niya sa sarili habang nag lalakad papunta sa bahay ng kapatid niya

-to be continued-
âš Do not copy this story without the author's permissionâš 

Want your organization to be the top-listed Government Service in Cagayan de Oro?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Cagayan De Oro City
Cagayan De Oro