Read the Scriptures

Read the Scriptures

Share

Belief: Mateo 16:15-19 Efeso 3:6 Gawa 10:1-48 Juan 3:16-18 Santiago 1:26-27 Santiago 2:1-26

14/05/2026

Bilang 30, Ang Kautusan tungkol sa Panata

1 Sinabi ni Moises sa mga pinuno ng lahi ng Israel, “Ito ang mga utos ng Panginoon:
2 Kung ang isang lalaki ay gagawa ng panata o susumpa sa Panginoon na gagawin niya o hindi ang isang bagay, kailangang tuparin niyang lahat ang kanyang sinabi.
3 Kung ang isang dalaga na naninirahan pa sa bahay ng kanyang ama ay gumawa ng panata o nanumpa sa Panginoon na gagawin niya o hindi ang isang bagay,
4 at nalaman ito ng kanyang ama pero hindi naman ito tumutol, kailangang tuparin niya ito.
5 Pero kung tumutol ang kanyang ama nang malaman ito, hindi na niya ito kailangang tuparin. Patatawarin siya ng Panginoon dahil tumutol ang kanyang ama.

6 “Kung ang isang dalaga ay manumpa o gumawa ng panata na gagawin niya o hindi ang isang bagay, pagkatapos nag-asawa siya, kahit na pabigla-bigla man o hindi ang kanyang pangako,
7 at nalaman ito ng kanyang asawa pero hindi naman ito tumutol, kailangang gawin niya ang kanyang ipinangako.
8 Pero kung tumutol ang kanyang asawa nang malaman ito, hindi na niya ito kailangang tuparin, at wala na siyang pananagutan sa Panginoon.

9 “Pero kung ang isang biyuda o babaeng hiniwalayan ng asawa ay gumawa ng panata o nanumpa na gagawin niya o hindi ang isang bagay, kailangang tuparin niya ito.

10 “At kung ang isang babaeng may asawa ay gumawa ng panata o nanumpa na gagawin niya o hindi ang isang bagay,
11 at nalaman ito ng kanyang asawa pero tumahimik lang ito at hindi tumutol, kailangang tuparin niya ito.
12 Pero kung tumutol ang kanyang asawa nang malaman ito, hindi na niya ito kailangang tuparin. Patatawarin siya ng Panginoon dahil tumutol ang kanyang asawa.
13 May karapatang pumayag o tumutol ang kanyang asawa sa kahit anong ginawa niyang sumpa o panata.
14 Pero kung hindi tumutol ang kanyang asawa sa mismong araw na nalaman niya ito, pumapayag ang kanyang asawa na tuparin niya ito.
15 Pero kung pinalipas pa ng kanyang asawa ang ilang araw bago pa tumutol, ang kanyang asawa ang parurusahan sa kanyang kasalanan.”

16 Iyon ang mga kautusan na ibinigay ng Panginoon kay Moises tungkol sa lalaki at sa kanyang asawa, at tungkol sa ama at sa kanyang anak na dalagitang nakatira sa kanyang bahay.
____________________________________

​​​
​​​
​​​
Highlight ⊕
Basahin, panoorin at pakinggan po natin para mas maunawaan natin ang mga Aral, Utos ng Dios ayon sa mga Banal na Kasulatan. (Pahayag 1:3)

Paalaala po, ugaliin po nating magbasa ng mga Banal na Kasulatan para po alam po natin ang mga pangyayari noong mga nakaraang Panahon ang Kasalaukuyang Panahon at ang Panahong Darating. At pagsikapan po nating tuparin, ganapin ang mga aral at utos ng Dios at panginoong
JesuCristo sa tulong ng Espiritu.
Huwag din po nating Dagdagan at bawasan ang tekstong nakasulat sa nilalaman ng mga Banal na Kasulatan.
____________________________________________________
Pahayag 22:18​​​-21
18Ako, si Juan ay nagbibigay babala sa lahat ng nakakarinig sa mga pahayag ng Dios sa aklat na ito. Ang sinumang magdagdag sa mga nilalaman ng aklat na ito, idaragdag ng Dios sa kanyang parusa ang mga salot na nakasulat dito.
19At ang sinumang magbawas sa mga nilalaman ng aklat na ito ay aalisan ng Dios ng karapatang kumain sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay. At mawawalan din siya ng karapatang makapasok sa Banal na Lungsod na nabanggit sa aklat na ito.
20Si Jesus ang nagpapatunay sa lahat ng nakasulat dito. At sinabi pa niya, “Talagang malapit na akong dumating!” Sinabi ko naman, “Sana nga po! Pumarito na po kayo, Panginoong Jesus.”
21Pagpalain kayong lahat ng Panginoong Jesus.
_______________________________________________

Disclaimer:
Ang mga video clip po na ginagamit dito ay ginamit para isadula ang ilang pangungusap. Ito po ay may pahintulot ng mga tauhan sa nasabing video clip na pagaari ng isang App.

Sumaatin nawa po ang Kapayapaan, Pagibig at Pagpapala ng Dios Ama at Panginoong JesuCristo.

Sa Dios Mananatili ang lahat ng Karangalan, kapurihan, Kaluwalhatian at Kapangyarihan Magpakailanman Amen

Read the Scriptures 05142026

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Cainta Rizal?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address


Cainta Rizal