SAMAHANG NAZARENO INC.
The Cainta Senakulo: A Filipino Heritage Amidst hundred of townsfolk, the Samahang Nazareno Inc.
18/06/2026
📣 SANA ALL NAKAKAIN NG CAKE KAGABI! 🎂🤣
Isang napakatamis at punong-puno ng sayang pasasalamat po ang ipinaabot ng Samahang Nazareno Inc. sa lahat ng mga tumaya, sumuporta, at naki-rambol kagabi (June 17, 2026) sa ating Cake Raffle for a Cause! Dahil sa inyo, hindi lang naging matagumpay ang fund raising natin, naging "sweet" pa ang gabi ng lahat! 🥰
🎉 CONGRATULATIONS SA MGA BERDE ANG PALAD AT NANALO! 🎉
Sana ibalato niyo naman ang icing! 😂
📌 IMPORTANTENG ANUNSYO (Para sa mga hindi pa nakukuha ang tamis ng tagumpay):
Sa mga mapapalad na nanalo na hindi pa nakukuha ang kanilang cake, paki-sundo na po sila sa tahanan ng ating lodi na si BOT Philip Andaya. Baka maunahan pa kayo ng mga langgam o baka matunaw sa pananabik! 🐜🏃♂️💨
Muli, maraming salamat po sa inyong walang-sawang suporta. Hanggang sa susunod na pa-raffle at fund raising ng Samahang Nazareno! Kitakits ulit at pagpalain tayong lahat! 🤎✊
14/06/2026
Maligayang Kaarawan sa ating artista, Raymond Cruz "Not-Not" 🎭🌟
Buong-pusong pasasalamat mula sa iyong SNI Family. Salamat sa walang-sawang pag-aalay ng iyong talento at sa pagiging mahalagang bahagi ng ating mga pagtatanghal.
Nawa’y mapuno ng higit pang pagpapala at kaligayahan ang buhay mo ngayon at sa mga susunod pang taon.
Happy Birthday, Not-Not! 🎉🍰
12/06/2026
Maligayang Kaarawan, Tita Angelita Magno!
Isang napakalaking pasasalamat sa iyong pagmamahal at walang sawang kabutihan. Napakapalad namin na bahagi ka ng aming buhay!
Sana ay mapuno ng ngiti, tawanan, at pagmamahal ang araw mo ngayon. Dalangin namin ang iyong magandang kalusugan at mas marami pang masasayang taon. Happy Birthday po!
12/06/2026
Maligayang Kaarawan kay Romelle Tellez Perez, ang isa sa mga mahuhusay na Stage Manager ng ating Samahang Nazareno Inc.! 🎉🎂
Isang malaking pasasalamat sa iyong husay, sipag, at dedikasyon sa pagpapatakbo ng ating mga programa sa likod ng entablado. Malaking bahagi ka ng tagumpay ng bawat pagtatanghal ng SNI! 🎭
Nawa'y maging masaya at mapagpala ang iyong kaarawan kasama ang iyong mga mahal sa buhay. Pagpalain ka pa lalo ng Panginoon at ng Mahal na Poong Nazareno ng magandang kalusugan at tagumpay sa buhay.
Happy Birthday, Romelle! Mula sa iyong SNI Family!
10/06/2026
Isang malaking pasasalamat po kay Mayor Johnielle Keith Pasion Nieto sa ipinagkaloob niyang computer set para sa ating samahan. Napakalaking tulong po nito para sa ating mga digital works at mga dokumento.
Maraming salamat din sa walang sawang pagsuporta at paggabay nina Boss Monchang at Boss Lyndon na laging nakaalalay sa bawat proyekto ng SNI.
Muli, mula sa inyong SNI Family, maraming salamat po sa inyong malasakit at patuloy na pagtulong sa ating komunidad! Pagpalain kayo ng Maykapal.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Cainta
1900