Music Qoutes

Music Qoutes

Share

Sulating magpapahayag ng damdamin. Tungkol sa pag-ibig, kasiyahan, kalungkutan, kabiguan atbp. Share every quotes by its lyrics

06/12/2017

Like for more poems.

Poem
"Kawalan"

Lalakad ng mag-isa,
walang kasama.
Sa madilim na daan,
patungo sa kawalan.

Luha ang tanging dala,
mga mugtong mata.
Damdaming magulo,
kailan kaya maglalaho.

Isang patalim,
itatarak sa'king puso.
Di na masisilayan pa ang dilim,
lalaya na sa pagkabigo.

Mabubuhay sa sakit,
na puno ng hinanakit.
Uupo sa dilim,
sa lugar na puno ng lihim.

Tatalikod sa kahapon,
hahanapin ang ngayon.
Mag-isang tatahakin,
ang kalawakan
na para sa akin.

12/05/17
04:40Pm

26/07/2017

Kaya kong manatili at maghintay dito kahit ilang araw o buwan o kahit taon
Kahit pa napakahirap na pagsubok pa ang ibigay ng tadhana sa paglaon ng panahon
Naniniwala akong may ginagawang magandang plano sa atin ang panginoon
Hindi ako nawawalan ng pag-asang matutupad ito sa tamang pagkakataon

Manatili ka lamang at makinig ng mabuti sa mensahe ng yong damdamin
Magtiwala tayo sa ginawang plano ng panginoon at sa ating mga panalangin
Dahil darating din ang araw, oras at panahon na mabubuo natin ang storyang para sa atin
Storyang masaya at may pagkakaisa na ang sentro ay siya na nagtakda ng lahat at nagtandhana sa ating dalawa.

—Forever

Want your organization to be the top-listed Government Service in Cainta?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Cainta
1900