Ang mga tula ng makata

Ang mga tula ng makata

Share

My way of expressing ,thoughts, feelings and everything.

19/03/2026

Simula't sapul, AKO.
Bawat laban nila ay
kasama AKO
Lahat ng kailangan nila ay AKO..
Oo.. palagi nlng AKO ng AKO

Hindi nmn siguro masama kung minsan ako ay nagrereklamo
Lahat ng unawa at pag iintindi nmn ay ginawa ko
Oo nga at kahit paano ay nakakapag abot din kayo
pero kailan at magkano?

Pag sinabi niyong, wala.. wala talaga
Lahat nmn ng bagay magagawan ng paraan kung gugustuhin mo diba
Kung salat man sa pera
Sana bumawi man lang kayo sa moral na suporta

Ganun narin ba kahirap para sa inyo ang mangamusta
Kung buhay o patay na ba si Mama
Kahit kailan hindi ako magiging sapat sa kanya
Dahil kahit ayaw ko, kayo ang hanap niya

Sana bigyan nyo nmn siya ng panahon
Samahan siya sa mga hamon
Marami ng nasayang na taon
Wag nyo nmn hintayin na makita na lamang sya sa kahon

06/03/2026

Hanggang kelan ba ako lalaban?

Hindi lamang puso at isip ang pagod, kundi maging ang katawan.

Mga pangamba kong wala ng pagsidlan

Kaya't tanging dasal na lamang ang palagi kong pinanghahawakan

Pasensya na sa mga taong aking naaabala 😌

Meron man o wala ako ay inyong sinalba

Sa bigat ng aking mga problema

Hindi ko na alam kung papaano ko pa ito makakaya

Madalas man akong humingi ng saklolo

Kahit kailan hinding hindi ako susuko

Kahit mahirap titiisin ko

Alang alang sa mga taong mahal ko.

(written on the spot by oKiCHi)

09/07/2025

Hello Everyone 👋

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Calaca?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address


Calaca
4212