CACD Calaca City
Official Page of the Calaca City Assistance for Community Development Office
12/03/2026
𝗣𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 - 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿𝘀' 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 | 𝟭𝟬 𝗠𝗮𝗿𝘀𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲
Sa gabay ng tanggapan ng City Assistance for Community Development na pinangungunahan ni G. Arnel Lopez, CACD-OIC, nagsagawa ng pagpupulong ang mga opisyales ng Pantay Farmers Association na pinamumunuan ni Pangulong Sofio Endaya.
Pinagtalakayan ang pagsusumite ng proposal para sa ninanais na proyektong pangkabuhayan ng samahan na may kaugnayan sa Agricultural Supply Store. Layunin ng pagpupulong na maisaayos ang hanay ng mga kakailanganing datos at pag-aaral sa nasabing proyekto.
Patuloy pa din ang tanggapan sa paghahatid ng serbisyo upang higit na maalalayan ang mga samahan sa patuloy na implementasyon ng NASA TIYAGA: Programang Pangkabuhayan ng Lungsod ng Calaca sa pamumuno ni City Mayor Nas Ona.
10/03/2026
08/03/2026
📢 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘
𝐅𝐎𝐔𝐑-𝐃𝐀𝐘 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐑𝐄𝐒𝐒𝐄𝐃 𝐖𝐎𝐑𝐊𝐖𝐄𝐄𝐊
Ang Pamahalaang Lungsod ng Calaca ay magpapatupad ng Four-Day Compressed Workweek simula:
📅 March 9, 2026 (Monday)
🕒 Bagong Oras ng Opisina:
Monday – Thursday
7:00 AM – 6:00 PM
📌 PAALALA:
Hindi kabilang sa compressed workweek ang mga tanggapan na may kinalaman sa:
• Disaster Response
• Social Services
• Health-related Services
Ang mga nasabing tanggapan ay maaaring magpatupad ng alternatibong work arrangements upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng mahahalagang serbisyo sa publiko.
⚡ Layunin ng Hakbang na Ito:
Suportahan ang energy conservation initiatives ng pambansang pamahalaan alinsunod sa:
• Republic Act No. 11285
• Administrative Order No. 15, s. 2024
• Memorandum Circular No. 114
✔️ Tinitiyak ng Pamahalaang Lungsod na mananatiling episyente at tuloy-tuloy ang serbisyo publiko sa kabila ng ipinatutupad na bagong iskedyul.
🤝 Maraming salamat sa inyong kooperasyon at pag-unawa.
06/03/2026
Congratulations PBE NASA Kaunlaran!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Calaca
4212