LagueNews

LagueNews

Share

Connecting Lagueños Worldwide

21/09/2025

BAGONG HEPE NG PNP, NAKATUTOK SA MAKATAONG PAMUMUNO

Sa unang pagkakataon mula nang maupo bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP), hinarap ni Police Lieutenant General Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. ang isang napakalaking hamon—ang malakihang kilos-protesta laban sa korapsyon ngayong araw.

Inaasahan ang libu-libong lalahok sa iba’t ibang pangunahing lungsod, dahilan upang tumutok ang lahat ng mata sa kung paano hahawakan ni Nartatez ang sitwasyon. Para sa marami, ito ay tinatawag na “baptism of fire” ng bagong PNP chief.

Tahimik ngunit matatag ang naging pag-angat ni Nartatez sa hanay ng kapulisan. Isang miyembro ng PMA “Tanglaw-Diwa” Class of 1992, bitbit niya ang mahigit tatlong dekadang karanasan mula sa intelligence, administrasyon, at operasyon. Kilala siya ng mga kasamahan bilang isang mahinahon at propesyunal na lider na inuuna ang serbisyo kaysa sa pagpapasikat.

Matapos ang kontrobersyal na pamumuno ni dating PNP Chief Nicolas Torre III, malinaw ang nais ipakita ni Nartatez: isang pamumuno na nakasentro sa hustisya at demokrasya. Kabilang dito ang mariing pagtutol niya sa mga tinatawag na “quota arrests,” isang patakarang nag-ugat sa madugong kampanya laban sa droga noong nakaraang administrasyon. Para kay Nartatez, ang tunay na sukatan ng epektibong kapulisan ay ang kalidad ng operasyon, hindi ang dami ng inaaresto.

Sa halip, ipinatuloy niya ang five-minute response policy—isang inisyatibong layong tiyakin ang mabilis na pagtugon ng mga pulis sa anumang tawag ng pangangailangan, bilang patunay na nakatuon siya sa kaligtasan at serbisyo publiko.

Habang umaandar ang protesta, malinaw ang naging direksyon ng pamumuno ni Nartatez: igalang ang karapatan ng bawat mamamayan na magpahayag ng saloobin, habang sinisiguro ang kaayusan at kapayapaan. Para sa kanya, ang hamon na ito ay higit pa sa pagpapanatili ng seguridad; ito’y pagkakataon na ipakita na ang PNP ay maaaring maging huwaran ng isang demokratikong institusyon.

Sa kanyang mababang-profilo ngunit matatag na liderato, nakikita ng marami ang posibilidad na maging simula ito ng bagong yugto sa kasaysayan ng PNP—isang pamumunong makatao, makatarungan, at tunay na nakikinig sa tinig ng sambayanan.

Photos from LagueNews's post 10/09/2025

CONG. JAMES “JOJO” ANG JR., INIULAT NA UMANONG NAG-UTOS NG PAGHINGI NG “DONASYON” SA MGA KONTRATISTA SA BATANGAS

TINGNAN: Palitan ng mensahe ni Congressman James "Jojo" Ang, Jr at Batangas 1st District Engineer Calalo.

Sa counter-affidavit na inihain ni DPWH District Engineer Abelardo Calalo, lumabas ang mabigat na alegasyon na ang perang nasamsam sa kanyang pagkakaaresto ay hindi umano suhol para kay Congressman Leandro Leviste, kundi bahagi ng tinaguriang “donasyon” na ipinag-utos ni Congressman. James “Jojo” A. Ang Jr., kasalukuyang kinatawan ng USWAG ILONGGO Party-List. Ayon kay Calalo, malinaw na natalakay sa kanilang Viber group chat ang utos ng kongresista na mangalap ng kontribusyon mula sa mga kontratistang may proyekto sa distrito.

Subalit, lumalabas din sa kanyang salaysay na matapos ang nasabing usapan ay binura umano ni Cong. Jojo Ang ang kanyang mga mensahe kay Calalo. Ito ang nagdulot ng matinding pagdududa sa kampo ng district engineer, na nagsabing kung wala namang dapat ikatakot o itago, bakit kailangang burahin ang mga palitan ng mensahe? Giit pa ni Calalo, ang mismong pagbura ng mensahe ay indikasyon na may itinatagong katotohanan sa likod ng naturang transaksyon.

Binigyang-diin ni Calalo na siya ay nadawit lamang sa maling akusasyon at ginagamit na “scapegoat” sa isang mas malawak na sistema ng pangangalap ng donasyon mula sa mga contractor. Aniya, ang perang hawak niya nang siya ay mahuli ay hindi para sa kanyang personal na interes, kundi resulta ng pagtalima sa ipinag-utos ng isang kongresista.

Sa harap ng mga rebelasyong ito, nananawagan si Calalo ng masinsinang imbestigasyon sa umano’y “donation scheme” at hiling na isailalim sa forensic examination ang mga Viber messages upang mabawi ang mga nabura at mailantad ang buong konteksto ng usapan. Dagdag pa niya, dapat bigyang diin ang due process sa halip na itulak ang isang selective na kaso na tila ginagamit para sa political propaganda.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Calamba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Chipeco Avenue
Calamba
4028