San Isidro Labrador Chapel

San Isidro Labrador Chapel

Share

SOCOM – Social Communication Ministry
San Isidro Labrador Chapel
Barangay Bucal, Calamba City
📖 “Go into all the world and proclaim the Gospel.” – Mark 16:15

Photos from San Isidro Labrador Chapel's post 01/06/2026

🌹🙏 TAOS-PUSONG PASASALAMAT 🙏🌹

Nagpapasalamat po kami sa ating Panginoong Diyos at sa Mahal na Birheng Maria sa matagumpay na pagdaraos ng Tapusan at Pagpupugay sa Mahal na Birheng Maria ngayong huling araw ng Mayo.

Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa at dumalo sa Banal na Misa at Prusisyon. Ang inyong presensya at pakikibahagi ay naging patunay ng ating matatag na pananampalataya, pagmamahalan, at pagkakaisa bilang isang pamayanang Kristiyano.

Maraming salamat po sa mga pamilyang nagpamisa sa buong buwan ng Mayo, sa mga batang at kabataang masigasig na nakilahok sa Flores de Mayo, sa mga naghandog ng mga bulaklak at iba pang tulong, sa mga nagsilbing tagapaglingkod sa ating pagdiriwang, at sa lahat ng ating mga kanayon na buong pusong nakiisa sa gawaing ito.

Sa bawat panalangin, sakripisyo, oras, at suporta na inyong ibinahagi, naging mas makahulugan at matagumpay ang ating pag-aalay ng pasasalamat at debosyon sa ating Mahal na Ina.

Nawa'y patuloy tayong gabayan ng ating Panginoon at pagkalooban ng masaganang biyaya ang bawat pamilya. Hiling namin na manatiling buhay sa ating mga puso ang pagmamahal kay Maria at ang pagkakaisang ating ipinamalas sa pagdiriwang na ito.

Muli, mula sa aming puso, maraming maraming salamat po sa inyong lahat.

🌹 Ave Maria!
⛪ Viva Birheng Maria!
💙 Viva ang Sambayanang Kristiyano ng Brgy. Bucal!

📸 Margarita Matanguihan Baulite Naredo (Terry N. Naredo

24/05/2026

Isang Maligaya at Pinagpalang 50th Profession Anniversary kay Rev. Fr. Eugenio L. Cabillon, OP!

Taos-pusong pagpupugay at pasasalamat ang ipinapaabot ng buong komunidad sa iyong limang dekada ng tapat na paglilingkod, paggabay, at pagiging buhay na saksi ng pagmamahal ng Diyos. Ang iyong banal na bokasyon ay patuloy na nagbibigay-liwanag at inspirasyon sa aming pananampalataya.

Dalangin po namin ang patuloy na kalakasan, masaganang biyaya, at patnubay ng Espiritu Santo sa inyong misyon.

Mula sa: Brgy. Bucal Pastoral Council
Rowell Macapagal Officers and Bucal Chapel Community

Photos from San Isidro Labrador Chapel's post 17/05/2026

🕯️ TAOS-PUSONG PASASALAMAT SA NAKIISA SA ATING BANAL NA PROSISYON 🕯️

Isang mapagpalang araw po sa buong komunidad!

Mula sa kaibuturan ng aming puso, ang Barangay Bucal Pastoral Council ay nagpapahatid ng walang-hanggang pasasalamat sa ating mga naging Hermano at Hermana, gayundin sa lahat ng mga deboto at kabarangay na nakiisa sa solemneng prosisyon ng ating Pintakasi, si San Isidro Labrador, kasama ang Mahal na Birheng Maria nitong nagdaang pista.

Ang inyong sakripisyo, pag-aalay ng panahon, at taos-pusong paglahok ay patunay ng ating matatag na pananampalataya at pagkakaisa bilang isang kawan. Sa bawat hakbang at dasal habang tinatahak ang ating mga lansangan, naramdaman ang tunay na diwa ng pasasalamat para sa mga biyayang natatanggap ng ating barangay.

Dalangin po namin na patuloy tayong gabayan, pagpalain, at pagkalooban ng masaganang pamumuhay at kalusugan ni San Isidro Labrador sa bawat tahanan.

Muli, maraming salamat po sa inyong pagmamahal sa ating patron at sa ating simbahan. Viva San Isidro Labrador! 👋✨

Tapat na sumasainyo,

⛪ BARANGAY BUCAL PASTORAL COUNCIL
ROWELL MACAPAGAL
Coordinator

kasama ang Mga Miyembro ng Pastoral Council

15/05/2026
Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Calamba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Brgy. Bucal Calamba City
Calamba
4027