HTP Ecological Ministry

HTP Ecological Ministry

Share

This is the official page of the Ecological Ministry of Holy Trinity Parish.

05/09/2022

SETYEMBRE 4 | UNANG LINGGO SA PANAHON NG PAGLIKHA

Sa linggong ito, ipinapakilala sa atin ang LAUDATO SI'. Isa ito sa mga liham ensiklikal ng ating kasalukuyang Santo Papa, Francisco na opisyal na inilabas noong Mayo 24, 2015. Katangi-tangi ito dahil ito ang pinakauna sa uri nito na ang tinatalakay ay hindi lamang usapin tungkol sa pananampalataya kundi maging ang pangangalaga sa sangnilikha, sa daigdig at dignidad ng buhay. Isa itong pagpapakita ng pagsasanib ng agham at pananampalataya upang matugunan ang mga pagtangis ng ating daigdig, ang pangkalahatang tahanan natin.

Hinahamon tayo nito upang magsagawa ng mga konkretong hakbangin sa pangangalaga sa kalikasan, pagtitipid sa malinis na tubig, pagbabawas sa pagkonsumo, pag-iwas sa paggamit ng mga likas na yamang nauubos tulad ng uling, fossil fuels at gas. Idagdag pa ang paggugugol ng kasalukuyang henerasyon ng malaking panahon sa birtwal na mundo kaysa bumuo ng mga totoong ugnayan sa kapwa.

Nagbibigay rin ito ng mga suhestiyong gawain at programa upang magkaroon ng pangmatagalang solusyon at mapanatiling pamumuhay (sustainable living).

Ating ipagdasal na nawa sa ating paglulunsad ng LAUDATO SI' sa ating parokya, magbigay-daan ito sa pagpapanibago ng ating pamumuhay tungo sa kabanalan at lubos na pagpapasalamat sa ating Manlilikha. Amen.



Video owned by: Missionary Society of St. Columban

All credits and rights are reserved to the rightful owner.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Calamba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Holy Trinity Parish Pansol
Calamba
4027