Calamba City Nutrition Committee
Calamba City Nutrition Program
09/04/2026
Isinagawa ang serye ng Maternal, Infant and Young Child Feeding (MIYCF) Training sa Main Health Center, sa pangunguna ng Calamba City Health Services Department, kung saan tinalakay ang mahahalagang kaalaman at tamang praktis sa nutrisyon para sa mga ina, sanggol, at maliliit na bata.
Layunin ng pagsasanay na mapalakas ang kakayahan ng mga healthcare workers sa pagbibigay ng wastong gabay sa pagpapasuso, complementary feeding, at pangkalahatang nutrisyon upang matiyak ang malusog na paglaki at pag-unlad ng mga bata.
Binigyang-diin din sa pagsasanay ang kahalagahan ng nutrisyon ng ina at anak sa loob ng First 1000 Days bilang kritikal na yugto sa kanilang kalusugan at pangmatagalang development.
Isinagawa ang mga training sa pakikipagtulungan ng mga Registered Nutritionists and Dietitians mula sa Provincial Health Office at Department of Health, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa Calamba City.
08/04/2026
“𝑮𝒐𝒐𝒅𝒏𝒆𝒔𝒔 𝑮𝒓𝒂𝒄𝒊𝒐𝒖𝒔! 𝑰𝒌𝒂𝒘 𝒚𝒖𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒈𝒍𝒖𝒍𝒖𝒕𝒐 𝒏𝒈 𝒊𝒕𝒍𝒐𝒈 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒈 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒈𝒖𝒔𝒕𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒖𝒍𝒂𝒎 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒉𝒂𝒚” 🥚🍳
Ngayong 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗙𝗼𝗼𝗱 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵, i-celebrate natin ang sarap ng 𝘼𝙙𝙤𝙗𝙤, 𝙎𝙞𝙣𝙞𝙜𝙖𝙣𝙜, 𝙇𝙚𝙘𝙝𝙤𝙣, 𝙎𝙞𝙨𝙞𝙜, 𝘽𝙪𝙡𝙖𝙣𝙜𝙡𝙖𝙣𝙜, 𝙖𝙩 𝙞𝙗𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙪𝙩𝙖𝙝𝙚 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙋𝙞𝙣𝙤𝙮. Ngunit, sa dami ng masasarap na pagkaing Pilipino, may mga araw talagang ang itlog ay sapat na! Minsan choice, minsan pag-iwas sa ulam na may sahog na ayaw natin.
Kayo rin ba?
Tag mo na yung tropa mong “𝗘𝗴𝗴-𝘀𝗽𝗲𝗿𝘁” sa kusina pagdating sa pag-iwas sa ulam!
02/04/2026
𝐂𝐚𝐥𝐚𝐦𝐁𝐚𝐡𝐚𝐲𝐊𝐮𝐛𝐨: 𝐌𝐀𝐍𝐈 🥜🥜
Alam niyo ba na ang paborito nating pang-meryenda ay hindi lang basta masarap, kundi isang sangkap din laban sa Severe Acute Malnutrition (SAM) at Moderate Acute Malnutrition (MAM).
Tara, kilalanin nating mabuti ang bida ngayong linggo!
𝗔𝗻𝗼 𝗻𝗴𝗮 𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗻𝗶? 🥜
Ang mani o peanut ay isang uri ng 𝙡𝙚𝙜𝙪𝙢𝙚 na tumutubo sa ilalim ng lupa na nagmula pa sa South America. Ang bunga nito ay may balat na kayumanggi at karaniwang may dalawa o tatlong butil sa loob. Kilala rin ito sa mga tawag na 𝙜𝙧𝙤𝙪𝙣𝙙𝙣𝙪𝙩, 𝙚𝙖𝙧𝙩𝙝𝙣𝙪𝙩, 𝙤 𝙜𝙤𝙤𝙗𝙚𝙧.
💪 𝗟𝗮𝗯𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗹𝗻𝘂𝘁𝗿𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻
Alam niyo ba? Ang mani ay ang pangunahing sangkap sa 𝗥𝗨𝗧𝗙 (Ready-to-Use Therapeutic Food) at 𝗥𝗨𝗦𝗙 (Ready-to-Use Supplementary Food). Dahil sa taglay nitong protina, healthy fats, at mahahalagang micronutrients, malaki ang tulong nito sa paggamot at pag-iwas sa malnutrisyon (SAM at MAM) ng mga bata.
✨𝘿𝙞𝙨𝙠𝙖𝙧𝙩𝙚 𝙏𝙞𝙥𝙨: 𝙋𝙖𝙖𝙣𝙤 𝙥𝙪𝙢𝙞𝙡𝙞 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙖𝙣𝙙𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙡𝙞𝙙𝙖𝙙 𝙣𝙖 𝙈𝘼𝙉𝙄?
• Balat: Pumili ng mani na may 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗻𝗶𝘀 𝗮𝘁 𝗯𝘂𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗹𝗮𝘁, walang butas o amag.
• Kulay: Dapat ay 𝗽𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝘂𝗹𝗮𝘆 (hindi sobrang maitim o may batik).
• Amoy: 𝗜𝘄𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗻𝗶 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘆 𝗮𝗺𝗼𝘆 𝗮𝗺𝗮𝗴 𝗼 𝗽𝗮𝗻𝗶𝘀
• Lasa: Ang sariwang mani ay may 𝗻𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝘁𝗮𝗺𝗶𝘀 𝗮𝘁 𝗻𝘂𝘁𝘁𝘆 𝗳𝗹𝗮𝘃𝗼𝗿.
• Pag-iimbak: Piliin ang 𝗺𝗮𝗻𝗶 𝗻𝗮 𝘁𝘂𝘆𝗼 𝗮𝘁 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗯𝗮𝘀𝗮 upang maiwasan ang 𝙖𝙛𝙡𝙖𝙩𝙤𝙭𝙞𝙣 𝙘𝙤𝙣𝙩𝙖𝙢𝙞𝙣𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣.
📊 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗙𝗮𝗰𝘁𝘀 (𝗣𝗲𝗿 𝟭𝟬𝟬𝗴)
Narito ang sustansyang makukuha sa bawat 100 gramo ng nilagang mani:
• 𝘾𝙖𝙡𝙤𝙧𝙞𝙚𝙨: 315 kcal
• 𝘾𝙖𝙧𝙗𝙤𝙝𝙮𝙙𝙧𝙖𝙩𝙚𝙨: 15.3 g
• 𝙋𝙧𝙤𝙩𝙚𝙞𝙣:13 g
• 𝙁𝙖𝙩: 22.4 g
• 𝙁𝙞𝙗𝙚𝙧: 4.7 g
• 𝙎𝙪𝙜𝙖𝙧: 2.6 g
• 𝘾𝙖𝙡𝙘𝙞𝙪𝙢: 58 mg
• 𝙄𝙧𝙤𝙣:: 1.6 mg
• 𝙎𝙤𝙙𝙞𝙪𝙢: 10 mg
Kaya sa susunod na mag-iikot sa palengke, piliin ang masustansya para sa pamilya!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
New City Hall Complex, Chipeco Avenue Ext, Brgy. Real
Calamba
4027