Wyeth Philippines Progressive Workers Union - WPPWU

Wyeth Philippines  Progressive Workers Union - WPPWU

Share

Wyeth Philippines Progressive Workers Union over sixty years as a labor Union affiliated in DFA

12/05/2026

DRAMA!
Timing Si Bato para bumoto kay Cayetano at Impeachment ni Sara!

Photos from Drug Foods and Beverage Workers's post 01/05/2026
Photos from Wyeth Philippines  Progressive Workers Union - WPPWU's post 25/04/2026

HUSTISYA PARA SA MGA BIKTIMA NG TOBOSO MASSACRE!

Mariing kinokondena ng WPPWU-DFA-KMU ang pagmasaker ng AFP sa 19 katao sa Toboso, Negros Occidental noong Abril 20, 2026. Isa itong malinaw na paglabag sa karapatang pantao at patunay ng tuloy-tuloy na pandarahas ng estado laban sa mamamayan.

Kabilang sa mga biktima ang mga sibilyan, organisador, mamamahayag, at lider-masa—mga tinig na lumalaban para sa karapatan ng kanilang komunidad. Sa halip na protektahan, sila ay pinaslang.

Hindi ito hiwalay na insidente. Mahaba na ang rekord ng militar sa Negros ng pamamaslang, militarisasyon, at pagpapalayas sa mga komunidad—upang bigyang-daan ang interes ng malalaking panginoong maylupa at korporasyon. Habang nagdurusa ang mga magsasaka sa kahirapan at kawalan ng kabuhayan, dahas ang tugon ng estado.

Sa kabila nito, nananatiling matatag ang paglaban ng mamamayang Negrense. Kaisa ang Kilusang Mayo Uno at buong uring manggagawa, nananawagan kami:

Imbestigahan at panagutin ang lahat ng may sala sa Toboso Massacre!
Itigil ang militarisasyon sa kanayunan!
Igiit ang tunay na repormang agraryo at kabuhayan para sa mamamayan!

Magkaisa at kumilos, lalo na ngayong Mayo Uno!

HUSTISYA! PANANAGUTAN!

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Calamba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Calamba