DPWH Region IV-A
The Department of Public Works and Highways is the engineering and construction arm of the government
05/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
Nagsampa ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property ang Department of Public Works and Highways (DPWH) laban sa driver ng 20-ton 10-wheeler truck na nagpumilit dumaan sa temporary Kaliwet bailey bridge sa Santo Domingo, Ilocos Sur, na may kapasidad lamang na 5 tons, dahilan para gumuho ang tulay at magdulot ng perwisyo sa mga motorista at komyuter sa lugar.
Bukod sa kasong kriminal, ipinakakansela rin ng DPWH sa Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng iresponsableng driver, kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panagutin ang mga lumalabag sa road safety at naglalagay sa panganib sa buhay ng publiko.
04/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐: Sinampahan ng non-bailable na kasong graft at malversation ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya ng St. Timothy Construction Corp. kaugnay ng umanoโy substandard na flood control project sa Brgy. Bulusan, Calumpit, Bulacan.
Magkasamang naghain ng reklamo sina Assistant Ombudsman Mico Clavano at Public Works Secretary Vince Dizon, kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking mapapanagot ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.
โBig fish talaga ang mga Discaya. Ang mga Discaya parang mga Napoles โyan dito sa flood control scam. Talagang malaking isda โyan. 2016 pa lang, nag-ooperate na sila. Bilyun-bilyong piso ang kanilang ninakaw. At dahil doโn, grabe โyung mga pagdurusang dinaranas ng mga kababayan natin kagaya ng sa Bulusan,โ sinabi ni Secretary Dizon.
04/06/2026
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ต๐๐๐ฎ๐, ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ผ, ๐ฎ๐ ๐ถ๐ป๐ผ๐ฏ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ.
Kinilala at binigyang-pugay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga miyembro ng Philippine Robotics National Team (PRNT) at FELTA Multi-Media, Inc. para sa kanilang mga natatanging tagumpay at ambag sa pagsusulong ng robotics, agham, at teknolohiya sa bansa.
Nasaksihan ng Pangulo ang presentasyon at live demonstration ng mga award-winning robotics projects na SYLAX, isang mobility-assistance device para sa mga batang may cerebral palsy; TUKLAS, isang teknolohiyang tumutulong sa pagtukoy at pagdodokumento ng mga archaeological site at cultural artifacts; at FRANCIS, isang AI-powered companion robot na tumutulong sa pangangalaga, pagmomonitor ng kaligtasan, at pagtugon sa mga emergency situation sa tahanan. Ipinakita ng mga proyektong ito kung paano magagamit ang robotics at artificial intelligence upang makalikha ng mga makabago at praktikal na solusyon sa mga hamon ng lipunan.
Pinuri rin ng Pangulo ang dedikasyon at pagkamalikhain ng mga kabataang innovator, gayundin ang patuloy na suporta ng FELTA Multi-Media, Inc. sa paghubog ng susunod na henerasyon ng mga Filipino scientist, engineer, at technology leaders na mag-aambag sa pag-unlad ng bansa.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
Canlubang Interchange, Brgy. Mayapa
Calamba
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |