Calambeño

Calambeño

Share

To promote the culture and events of Calamba City and the whole province of Laguna

17/04/2026

Kamusta po kayo?
☕☕☕

Photos from Calambeño's post 16/04/2026

Calamba City Expands Affordable Housing Through NHA Resettlement Assistance Program

Isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba, sa pangunguna ni Mayor Ross Rizal, ang mas maayos at abot-kayang pabahay para sa mga Calambeño sa pamamagitan ng Resettlement Assistance Program ng National Housing Authority (NHA).

Sa ilalim ng nasabing programa, sasagutin ng Pamahalaang Lungsod ang pagbabayad sa NHA sa loob ng 14 na taon, habang ang mga benepisyaryo ay bibigyan ng mas magaan na paraan ng pagbabayad. Maaari nilang hulugan ang kanilang pabahay sa loob ng 30 taon sa mas mababang halaga, na naglalayong gawing mas abot-kaya ang pagkakaroon ng sariling tahanan.

Ang programa ay may kombinasyong 50% grant at 50% loan, na magsisilbing mahalagang tulong upang mapabilis ang pagpapatayo ng karagdagang pabahay sa lungsod. Kabilang din sa tungkulin ng lokal na pamahalaan ang paglalaan ng lupa na pagtatayuan ng mga proyektong pabahay.

Ayon kay Mayor Rizal, patunay ang inisyatibong ito na sa matibay na ugnayan ng pambansa at lokal na pamahalaan, mas maraming pamilyang Calambeño ang mabibigyan ng ligtas, maayos, at disenteng tirahan. Patuloy aniya ang lungsod sa paghahanap ng mga solusyon upang matugunan ang pangangailangan sa pabahay ng komunidad.

📷 Dugong Bayani - Mayor Ross Rizal

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Calamba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Calamba