Disaster Risk Reduction Management for Youth Calamba

Disaster Risk Reduction Management for Youth Calamba

Share

Empowering the Youth in Disaster Response and Community Service

Photos from Disaster Risk Reduction Management for Youth Calamba's post 24/11/2025

OATH TAKING | NOVEMBER 24, 2025

Isang makabuluhan at makasaysayang araw para sa DRRM-Y Calamba!

Ngayong araw ay opisyal naming isinagawa ang Oath Taking Ceremony sa pangunguna mismo ni Mayor Ross Rizal Dugong Bayani - Mayor Ross Rizal. Bago ang panunumpa, nagkaroon muna ng maikling meeting kasama ang ating butihing Mayor, kung saan tinalakay ang mga plano at adbokasiya ng ating organisasyon. Sinundan ito ng isang photo opportunity bilang alaala ng bagong yugto ng aming pagseserbisyo.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa oportunidad na maging isang opisyal na organisasyon sa lungsod ng Calamba. Isa itong malaking hakbang para mas mapahusay namin ang aming serbisyo at maipagpatuloy ang aming layunin para sa kaligtasan, kahandaan, at paglilingkod sa komunidad.

Maraming salamat po, Mayor Ross Rizal, sa tiwala at suporta! At isang malaking pasasalamat din sa aming founder, Sir Mike Garlet, sa walang sawang paggabay at pagbibigay ng oportunidad para sa kabataan ng DRRM-Y Calamba.

Mabuhay ang DRRM-Y Calamba! ๐Ÿ™Œ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Photos from Disaster Risk Reduction Management for Youth Calamba's post 21/11/2025

๐——๐—”๐—ฌ ๐Ÿฎ ๐—–๐—ข๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐—ง๐—˜! | ๐—•๐—Ÿ๐—ฆ ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—˜๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—ก ๐——๐—˜๐— ๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก (November 18, 2025)

Matagumpay na natapos ang Day 2 ng Basic Life Support (BLS) Training ng DRRM-Y Calamba, kasama ang DRRM-Y Cabuyao, Marshall Support Group, at ating partners mula sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ngayong araw, isinagawa ng mga kalahok ang kanilang return demonstration mula sa mga natutunan noong Day 1โ€” kabilang ang Adult at Child FBAO (Foreign Body Airway Obstruction) at CPR (1 and 2 rescuers). Ipinakita ng bawat trainee ang kanilang galing, pag-unawa, at kahandaan sa tamang pagresponde sa mga sitwasyon ng pagbara sa daanan ng hangin at pag-apply ng life-saving CPR techniques.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa Department of Health (DOH), Philippine Coast Guard, at DPAR Coalition of Volunteers sa kanilang walang sawang suporta, pagtuturo, at pagbabahagi ng kaalaman upang maging mas handa ang ating mga kabataan at volunteers sa pagtugon sa anumang emerhensiya.

Nakakabilib ang dedikasyon at pagsusumikap ng lahat upang matiyak na tama, ligtas, at epektibo ang bawat hakbang na ginawa nila sa praktikal na pagsasanay.

Isang malaking hakbang tungo sa mas handa at mas matatag na komunidad!

Photos from Disaster Risk Reduction Management for Youth Calamba's post 20/11/2025

๐——๐—”๐—ฌ ๐Ÿญ ๐—ฆ๐—จ๐—–๐—–๐—˜๐—ฆ๐—ฆ! | ๐—•๐—”๐—ฆ๐—œ๐—– ๐—Ÿ๐—œ๐—™๐—˜ ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง (๐—•๐—Ÿ๐—ฆ) ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š (November 17, 2025)

Isang matagumpay na Day 1 ng BLS Training ang natapos ng DRRM-Y Calamba, kasama ang DRRM-Y Cabuyao, Marshall Support Group, at Philippine Coast Guard (PCG), na ginanap sa City Schools Division of Biรฑan City.

Ang Day 1 ay nakatuon sa paghahanda para sa aming return demonstration sa Day 2, kabilang ang pag-review ng proseso, tamang techniques, at mga dapat tandaan sa Basic Life Support. Lahat ng kalahok ay nagpakita ng pagsisikap at determinasyong mahasa ang kanilang kaalaman at kasanayan.

Isang malaking hakbang ito tungo sa mas ligtas, mas may alam, at mas matatag na komunidad. Maraming salamat sa lahat ng kalahok na buong dedikasyon na nakilahok sa training.

Tuloy-tuloy lang ang pag-aaral, pagsasanay, at paglilingkod!

12/11/2025

A huge happy birthday to our incredible Associate of Budget and Finance, Mr. Dono Didio Del Rosario ๐Ÿ’—!

08/11/2025

Sa gitna ng anumang sakuna, maaaring tumawag sa Unified Emergency Hotline 911 upang agad na makakuha ng tulong mula sa mga awtoridad.

MAGING LAGING ALERTO AT LIGTAS CALABARZON!

Photos from PIA CALABARZON's post 08/11/2025
Photos from DOST-PAGASA's post 07/11/2025
Photos from DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service's post 07/11/2025
07/11/2025

CALABARZON RDRRMC, ITINAAS SA RED ALERT DAHIL SA BAGYONG UWAN

Itinaas na ng Calabarzon Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) ang Red Alert status, epektibo Nobyembre 8, 2025 (Sabado), bilang paghahanda sa inaasahang pagpasok ng Tropical Storm Fung-Wong o sa Philippine Area of Responsibility ngayong weekend.

Ayon sa RDRRMC, ang paglalagay sa Red Alert ay hakbang upang masiguro ang mabilis na pagtugon at mas maigting na koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan at mga lokal na yunit sa rehiyon sa maaaring maging epekto ng bagyo, tulad ng pagbaha, pagguho ng lupa, at malalakas na hangin.

Patuloy ang paalala sa publiko na maging mapagmatyag, makinig sa mga opisyal na anunsyo, at maging handa sa anumang posibleng abiso ng paglikas para sa kaligtasan ng lahat.

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Calamba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Calamba
4027