Bim Ignacio

Bim Ignacio

Share

Bawat Isa Mahalagaβ˜πŸ»πŸ’™
VICE MAYOR BIM IGNACIO
Calapan City, Oriental Mindoro

Photos from Bim Ignacio's post 24/06/2026

πŒπŽπ•πˆππ† 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐏𝐀𝐍 π…πŽπ‘π–π€π‘πƒ πŸ›οΈ

Matagumpay na naisagawa ang Ika-51 Regular Session ng 10th Sangguniang Panlungsod kung saan patuloy na tinalakay ang mga mahahalagang usapin, programa, at panukalang makatutulong sa pag-unlad ng ating lungsod at sa kapakanan ng bawat CalapeΓ±o. β˜οΈπŸ’™

Naging espesyal din ang sesyong ito sa pagbisita ni Steph Lacuata, ang 2nd Place Winner ng The Voice Teens Philippines. 🎀

Sa kasalukuyan, si Steph ay isang City Scholar at kasalukuyang kumukuha ng Bachelor of Science in Computer Engineering bilang 2nd Year College student sa Divine Word College of Calapan (DWCC).

Isang inspirasyon si Steph sa ating mga kabataan na patunay na kayang pagsabayin ang talento at edukasyon sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at determinasyon. πŸ’™β˜οΈ

Photos from Bim Ignacio's post 22/06/2026

ππ‹πŽπŽπƒ π’π€πŒπ€π‘πˆπ“π€π ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐖𝐀𝐓 π‚π€π‹π€ππ„πΜƒπŽ 𝐍𝐀 ππ€ππ†π€ππ†π€πˆπ‹π€ππ† 𝐍𝐆 πƒπ”π†πŽ πŸ™β˜οΈ

Sa bawat patak ng dugong naibabahagi, katumbas nito ang buhay na naisasalba at pag-asang muling naibabalik. πŸ’™πŸ©Έ

Isang makabuluhang programa ang Blood Samaritan Program na layuning matiyak ang mabilis, maayos, at tuloy-tuloy na supply ng dugo para sa mga kababayang nangangailangan sa oras ng emergency o medical procedures, kahit saan mang lugar, sa pamamagitan ng mas pinatibay na sistema ng Philippine Red Cross katuwang ang Calapan City Blood Council.

Sa programang ito, mas pinadadali ang access sa dugo sa pamamagitan ng koordinadong blood banking at mabilis na response system, upang masig**ong walang pasyenteng mapapabayaan sa oras ng pangangailangan. Ito ay simbolo ng malasakit, pagkakaisa, at tunay na bayanihan para sa kalusugan at buhay ng bawat isa.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Calapan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address


Guinobatan
Calapan
5200