PSA Mimaropa
Official page of PSA MIMAROPA Region
13/05/2026
๐
๐ข๐๐ฅ๐ ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ญ ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐จ๐ฉ๐จ๐ฌ๐๐ ๐๐ข๐ญ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐๐ข๐๐ฅ ๐๐ญ๐๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐๐๐ฅ ๐๐๐๐ข๐๐
Bumisita si Claire Dennis S. Mapa, PhD, National Statistician at Civil Registrar General ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa lupang inilaan ng Provincial Government of Occidental Mindoro (PGO) para sa planong pagpapatayo ng PSA Provincial Statistical Office sa Barangay Tayamaan, Mamburao noong Mayo 09, 2026.
Sa ngalan ni Governor Eduardo B. Gadiano, kasama sa pagbisita si Engr. Anthony A. Dantis, EnP, at mga kinatawan ng Provincial Planning and Development Office (PPDO), na nagsagawa ng inspeksyon at nagbigay ng teknikal na gabay ukol sa kalagayan at angkop na paggamit ng nasabing lokasyon.
Layunin ng pagbisita na tiyakin ang kaangkupan ng lugar para sa mga pasilidad ng PSA na magpapahusay sa paghahatid ng serbisyo sa lalawigan.
Nagpapasalamat ang PSA sa Provincial Government of Occidental Mindoro (PGO) sa kanilang pagtugon sa kahilingan na magkaroon ng sariling lupa ang opisina, na makatutulong upang makapagbigay ng mas maayos at mas mabilis na serbisyong publiko para sa mga Mindoreรฑo.
13/05/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐ง ๐๐๐ ๐ค๐๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฉ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ข๐๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จ
Ang Lokal na Pamahalaan ng Sablayan ay pormal na nagkaloob ng lupa sa Philippine Statistics Authority (PSA) โ Provincial Statistical Office ng Occidental Mindoro sa pamamagitan ng isang Deed of Donation and Acceptance Ceremonial Signing sa Chalu Vista Beach Resort, Sablayan noong Mayo 09, 2026.
Dinaluhan at pinagtibay ang seremonya ng paglagda ni Mayor Walter B. Marquez ng Sablayan, PSA National Statistician and Civil Registrar General, Claire Dennis S. Mapa, PhD at RSSO MIMAROPA Regional Director, Leni R. Rioflorido, na sinaksihan ni PSA Occidental Mindoro Chief Statitical Specialist, Maribel L. Bernardo, PhD.
Layunin ng donasyong ito na suportahan ang pangmatagalang plano ng PSA sa pagtatayo at pagpapaunlad ng mga pasilidad nito sa lalawigan, upang mas maging episyente ang paghahatid ng mga serbisyo at mas mapalapit ito sa publiko.
Ang naturang ugnayan ay sumasalamin sa iisang hangarin para sa mabuting pamamahala, mas pinahusay na serbisyong pampubliko, at mas matatag na pagpapaunlad ng estadistika sa Occidental Mindoro.
Lubos ang pasasalamat ng PSA sa LGU Sablayan sa kanilang taos-pusong suporta at pagkakaloob ng lupa para sa pagpapatibay ng serbisyo publiko.
13/05/2026
๐๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ ๐จ๐ ๐๐จ๐ซ๐ง ๐๐ซ๐จ๐๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ข๐ง ๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐
๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ ๐๐ฎ๐๐ซ๐ญ๐๐ซ ๐๐๐๐
MIMAROPA Regionโs corn production reached 52,927 metric tons from January to March 2026, marking an increase of 2,649 metric tons or 5.3 percent compared to the estimated 50,278 metric tons produced in the same quarter of 2025.
13/05/2026
๐๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฒ ๐๐ซ๐จ๐๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ข๐ง ๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐
๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ ๐๐ฎ๐๐ซ๐ญ๐๐ซ ๐๐๐๐
MIMAROPA Regionโs palay production reached 293,773 metric tons from January to March 2026, marking an increase of 15,311 metric tons or 5.5 percent compared to the estimated 278,462 metric tons produced in the same quarter of 2025.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Address
EMERALD Bldg. , J. P. Rizal Street
Calapan
5200
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |