Mindoro Tranquilo Riders
The official page of rider's organizations in Oriental Mindoro.
07/12/2022
MBS RIDERS
Association
Barangay Caravan
Open to all
December 10 2022
8:00 am
Bgy Nagiba 2 Calapan city ( Covered Court )
Basic Road Safely Seminar and Orientation seminar for Theoretical Driving Course for Student Permit
19/11/2022
LABAN PARA SA KALIKASAN AT SA KINABUKAS!!!
Suportahan po natin ang Panukalang Batas na inihain ng Ating Kagalanggalang na Congressman ng Unang Distrito
Congressman Arnan C Panaligan
Inihain ko sa House of Representatives ang House Bill No. 3891, "An Act Declaring the Island of Mindoro a Mining-Free Zone, Prohibiting All Forms of Mining Operations and Providing Penalties Therefor." Sa ilalim ng panukalang batas na ito, ipagbabawal ang lahat ng uri ng pagmimina sa buong Isla ng Mindoro, kasama ang black sand mining at armour rock mining at ang mineral extraction. Layunin ng panukalang batas na pangalagaan ang kalikasan ng buong isla na binubuo ng mga lalawigan ng Oriental Mindoro at Occidental Mindoro. Nararanasan natin ang matinding epekto ng pagkasira ng kalikasan at kapaligiran tulad ng malawakang pagbaha na nagwawasak sa ating mga lupaing agrikultural, mga pamayanan at mahalagang mga imprastraktura.
Ang buong Isla ng Mindoro ang saklaw ng House Bill No. 3891. Iisa lamang ang kabundukan ng Oriental Mindoro at Occidental Mindoro, ang Mount Halcon range at ang mga malaking ilog at mga kanlungang tubig o watershed areas natin ay magkakaugnay. Iisa rin lang ang biodiversity ng buong isla. Kaya sa pangangalaga ng kalikasan, ang buong isla ang dapat na protektahan.
Nananawagan ako sa aking mga kababayan na suportahan ang House Bill No. 3891. Nakikiusap din ako sa ibang mga nanunungkulan sa ating lalawigan at mga pamahalaang lokal na suportahan ang House Bill No. 3891. Hinihiling ko sa ating Sangguniang Panlalawigan, Sangguniang Panlungsod at mga Sangguniang Bayan na magpasa ng kaukulang resolusyon ng pagsuporta sa House Bill No. 3891. Pangalagaan natin ang ating kalikasan at huwag tayong maakit sa pangako na malaking kikitain ng mga pamahalaang lokal mula sa pagmimina.
Batid natin na mabigat ang laban na ito sapagkat malakas at makapangyarihan ang pro-mining lobby lalo na sa itaas. Tiyak na dadaan sa butas ng karayom ang House Bill No. 3891. Subalit tayo ay naninindigan sa tama at iyon ay ang pagtatanggol at pangangalaga sa kalikasan ng Isla ng Mindoro. - Rep. Arnan C. Panaligan
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Calapan
5200