Ejay Falcon

Ejay Falcon

Share

Filmography: Isang batang MINDOREÑO na nangarap na maiahon ang pamilya sa hirap ng buhay, nangarap para sa pamilya.

11/06/2026

Sa bawat pagwagayway ng bandila, naroon ang diwa ng tapang at pagmamahal sa bayan.
🇵🇭 Happy 128th Independence Day!

✍️ Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!
— Ejay Falcon

07/06/2026

LOOK: Ejay Falcon, muling nagpakita sa publiko sa Pinamalayan

Kahit abala sa taping ng isang teleserye sa Maynila, naglaan ng oras si dating Vice Governor at aktor na si Ejay Falcon upang umuwi sa Oriental Mindoro at makasama ang ilang kaibigan sa isang exhibition basketball game sa Brgy. Quinabigan, Pinamalayan.

Sa paanyaya ni Barangay Captain Gary Saway, nakisali si Falcon sa isang friendly match kasama ang ilang kabataan ng Quinabigan laban sa koponan ng Provincial Police Office (PPO).

Sa kanyang maikling mensahe sa halftime break, sinabi ni Falcon na hindi niya matanggihan ang imbitasyon ng mga taga-Quinabigan at ni Kapitan Saway, na itinuturing niyang matalik na kaibigan.

Ayon pa sa actor-turned-politician, masaya siya sa kanyang pagbabalik sa mundo ng pag-arte at sa kasalukuyan ay nakatuon siya sa kanyang showbiz commitments.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Calapan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Calapan