Konsehal RC Concepcion
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Konsehal RC Concepcion, Calapan.
12/05/2026
πππππ ππππππππ, ππππ πππππ πππ πππππππ! ππ
Sa araw na ito, ipinagdiriwang namin hindi lamang ang inyong kaarawan, kundi pati na rin ang buhay ng isang lider na tunay na may malasakit, paninindigan, at pusong naglilingkod para sa bawat CalapeΓ±o.
Maraming salamat po sa samahan, sa patuloy na paniniwala, at sa walang sawang suporta sa bawat adhikain para sa ikauunlad ng ating lungsod. Ang inyong dedikasyon at pagmamahal sa serbisyo publiko ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa marami upang magsikap, maglingkod, at mangarap para sa mas maayos na kinabukasan.
May your heart always remain strong, your vision clear, and your passion for service continue to inspire generations to come. π
04/05/2026
GOOD MORNING, CALAPEΓOS! βοΈ
Isang panibagong umaga na naman ang sumalubong sa atin, punong-puno ng pag-asa, bagong pagkakataon, at inspirasyon para magpatuloy. Nawaβy simulan natin ang araw na may ngiti, determinasyon, at malasakit sa isaβt isa.
Patuloy po tayong magsisikap upang maibigay ang serbisyong tapat, maayos, at tunay na maaasahan para sa bawat CalapeΓ±o. Ingat po tayong lahat at nawaβy maging produktibo ang ating araw! π
29/04/2026
Pinangunahan po ng inyong lingkod ang isinagawang committee hearing kaugnay ng proposed ordinance instituting and implementing the registration of ownership of agricultural machinery and equipment within the territorial jurisdiction of the City of Calapan. π
Layunin ng panukalang ito na magkaroon ng mas maayos na talaan at regulasyon sa paggamit ng mga makinaryang pang-agrikultura upang mas mapangalagaan ang kapakanan ng ating mga magsasaka at mapalakas ang sektor ng agrikultura sa lungsod. πΎ
Sa pamamagitan ng ganitong mga hakbang, patuloy nating isinusulong ang mga programang magbibigay ng mas episyenteng serbisyo at pangmatagalang benepisyo para sa ating mga kababayan, isang patunay ng serbisyong maaasahan para sa bawat CalapeΓ±o. π€
27/04/2026
Puno ng sigla at positibong enerhiya ang pagsisimula ng linggo sa ginanap na flag ceremony sa City Hall Complex, sa pangunguna nina City Mayor Doy Leachon at City Vice Mayor Bim Ignacio, katuwang ang 10th Sangguniang Panlungsod, mga department heads, at mga kawani ng lokal na pamahalaan. π΅π
Bahagi rin ng programa ang pagkilala at pagbibigay-insentibo sa mga paaralang nagpakitang-gilas sa Kalap Festival Street Dancing Competition. Itinanghal na kampeon ang Oriental Mindoro National High School, pumangalawa ang Managpi National High School, at pumangatlo ang Pedro V. Panaligan Memorial National High School. Nagdagdag rin ng suporta si 1st District Cong. Arnan Panaligan bilang pagkilala sa talento at dedikasyon ng kabataan.
Pinarangalan din ang mga kalahok sa ibaβt ibang kategorya gaya ng Best Costume, Best in Street Dance, at Most Disciplined Contingent, patunay ng husay, disiplina, at puso ng ating mga estudyante. π§‘
Lalong pinatingkad ang programa sa makulay na pagtatanghal ng Gatekeepers Crew na patuloy na nagbibigay karangalan sa Calapan, at nakatakdang kumatawan sa bansa sa World Dance Summit 2026 sa California, USA. πΊ
Isang makabuluhang simula ng linggo, puno ng pagkilala, inspirasyon, at pagmamahal sa ating lungsod at sa bawat CalapeΓ±o. π
Click here to claim your Sponsored Listing.
Contact the organization
Website
Address
Calapan
5200