TCN Digital

TCN Digital

Share

PGOM and Philippine News Updates

21/08/2025

https://www.facebook.com/share/17MwFdihga/

𝐏𝐀𝐏𝐀𝐋𝐀𝐏𝐈𝐓 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐏𝐀! 🌀🌧️⚠️

Patuloy na kumikilos papalapit sa silangan ng ang patuloy na binabatayan pa ring aktibong LPA na nagbabadya nang mag-landfall sa bahagi ng o bukas at posibleng lumakas at maging ganap nang bagyo pagdating sa West Philippine Sea ngayong weekend.

Sakaling maging ganap nang bagyo, tatawagin ito sa kanyang local name na .

Sa ngayon ay apektado na ng malalakas na pag-ulan dulot ng trough ng LPA ang ilang bahagi ng at .

Inaasahang hahatak din ito ng na magdadala ng kalat-kalat na mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa partikular sa kanlurang bahagi kasama ang .

Inaabisuhan ang lahat na maging alerto at handa sa posibilidad ng mga biglaang pagbaha at mga pagguho ng lupa hinggil sa nagbabadyang masamang panahon sa bansa.

Manatiling mag-monitor ng mga susunod pang update sa mga susunod na araw.

— PWS/PSU

Photos from TCN Digital's post 22/07/2025

24/06/2025

Lungos at Alag River sa Baco, Isasailalim sa Malawakang Dredging Kontra-Baha

Isasailalim sa malakihang river dredging ang Lungos at Alag River sa Baco, Oriental Mindoro bilang bahagi ng River Restoration Project na layong maibsan ang matagal nang problema sa pagbaha sa lugar. Nagsagawa ng public consultation noong Hunyo 23 sa Brgy. Water, Baco, na pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Bonz Dolor, katuwang sina Mayor Allan Roldan at Vice Mayor-elect Eric Castillo, kasama ang DENR, DPWH, at Bird’s Nest Resources Corporation na siyang proponent ng proyekto.

Ipinunto sa konsultasyon na ang matagal nang naipong sediment at bara sa mga ilog ang pangunahing sanhi ng mabagal na agos ng tubig at pagbaha. Sa pamamagitan ng malawakang dredging, inaasahang magiging mas mabilis ang daloy ng tubig tuwing tag-ulan, at mababawasan ang panganib ng pagbaha sa kabayanan at kalapit-barangay.

Matapos ang mga presentasyon at paliwanag, positibo ang naging pagtanggap ng mga residente at barangay officials. Tiniyak din ni Gov. Dolor ang tulong para sa mga mangingisdang maaapektuhan, kabilang ang scholarship, alternatibong kabuhayan, at protection d**e sa mga dredging site.

Ang Lungos at Alag River ay kabilang sa pitong pangunahing ilog sa lalawigan na sasailalim sa proyekto, kabilang ang Wasig, Cagancan, Bongabong, Balete, Mag-asawang Tubig, at Bucayao-Silonay River.

Sa kabila ng magkaibang partido, pinatunayan nina Gov. Dolor at Mayor Roldan ang pagtutulungan para sa kapakanan ng mga Bacoeño.

Want your business to be the top-listed Media Company in Calapan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Calapan City, Oriental Mindoro
Calapan
5200