IFI Calatrava
This is the Official page of IFI Calatrava (Parish of Saint Michael the Archangel)
03/04/2026
ππ π ππππ’π₯π’π§ | Siete Palabras
Bawat salita, bawat aral na ibinahagi sa atin, ay nag-iiwan ng malalim na marka sa ating puso at pananampalataya. Sa bawat pagninilay, natutunan natin ang kahalagahan ng pagmamahal, kapatawaran, pagtitiwala, at pagsunod sa kalooban ng Diyos. Hindi lamang ito simpleng mga salita; ito ay paalala at gabay sa ating araw-araw na buhayβkung paano magmahal, magpatawad, at magtiwala kahit sa gitna ng pagsubok.
Nawaβy magsilbing ilaw ang mga habilin na ito upang patuloy tayong lumago sa pananampalataya at mabuhay na may pag-asa, tapang, at malasakit sa kapwa. Sa bawat salita ng Panginoon, natututo tayong maging mas mabuting tao, mas tapat na anak ng Diyos, at mas maingat sa ating landas.
03/04/2026
πππ ππππππππππππππ | SIETE PALABRAS
KILALANIN NATIN ANG MGA TAGAPAGSALAYSAY NG HULING PITONG WIKA NG ATING PANGINOONG HESUKRISTO, NA SA KANILANG PAGLILINGKOD AY MAGHATID SA ATIN NG MALALIM NA PAGNINILAY, PANANALIG, AT PAGMAMAHAL.
Sa bawat salita na kanilang isasalaysay, ating mararanasan ang walang hanggang pagmamahal, sakripisyo, at habag ni Hesukristo:
I. βAma, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.β β Paalala ng Kanyang walang hanggang kapatawaran.
II. βKatotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon diβy isasama kita sa Paraiso.β β Mensahe ng pag-asa at buhay na walang hanggan.
III. βInang ito, narito ang iyong anakβ¦ Anak, narito ang iyong ina.β β Pagpapakita ng pagmamahal at pagtugon sa pangangailangan ng bawat isa.
IV. βDiyos ko, Diyos ko, bakit mo ako iniwan?β β Paalaala sa Kanyang paghihirap at pagkakaisa natin sa Kanyang sakripisyo.
V. βNauuhaw ako.β β Simbolo ng Kanyang pagkatao at pagnanasa sa ating kaligtasan.
VI. βNatapos na.β β Pagtupad sa Kanyang misyon para sa ating kapatawaran at kaligtasan.
VII. βAma, sa Iyong mga kamay inihahabilin ko ang aking espiritu.β β Pagpapakita ng lubos na pagtitiwala at pananalig sa Diyos Ama.
Sa gabay ng ating mga tagapagsalaysay, sama-sama nating tahakin ang landas ng pananampalataya, paglilingkod, at kababaang-loob, at sariwain ang kahalagahan ng bawat sakripisyong inialay ni Hesukristo para sa ating lahat. βοΈ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Calatrava
5503