Calubian Updates
Updates | Events | News | Confessions �
20/05/2026
📢 ATTENTION SENIOR CITIZENS OF CALUBIAN 📢
Maayong adlaw po sa ating lahat! 💙
Ang Social Pension para sa 1st and 2nd Quarter of CY 2026 ay inaasahang ipapamahagi ngayong darating na buwan ng Hunyo 2026. Ang pensiyong ito ay munting tulong at pagkilala sa ating mga mahal na senior citizens na naging haligi ng pamilya at komunidad sa loob ng maraming taon. 👵👴
Sa ating mga lolo at lola, sana po ay magamit ninyo ito para sa inyong mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, gamot, at iba pang mahalagang gastusin. Nawa’y makatulong ito kahit papaano upang gumaan ang inyong pang-araw-araw na pamumuhay. 🙏
At sa mga anak, apo, at kapamilya, paalala po natin na mahalin, igalang, at alagaan ang ating mga nakatatanda. Ang pension pong ito ay para sa kanilang kapakanan. Sana ay tulungan natin silang magamit ito nang maayos at wasto. Huwag po nating hayaan na masayang o magamit sa hindi kinakailangang bagay. ❤️
Tandaan natin:
“Ang pag-aaruga sa ating mga magulang at nakatatanda ay hindi obligasyon lamang, kundi isang utang na loob na may kasamang pagmamahal.”
Mangyaring hintayin lamang po ang opisyal na schedule at anunsyo para sa payout details.
Maraming salamat po at pagpalain tayong lahat! 🙌
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Calubian
6534