TAU LS - Filipino Club
Opisyal na page ng TAU LS - Filipino Club
15/08/2025
AGOSTO NA! BUWAN NG WIKA NA NAMAN!✨
Ang buwan ng Agosto ay hindi lamang upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika at Kasaysayan kundi upang alalahanin ang ating pinagmulan, nakaraan, at kung paano tayo pinagbigkis ng iisang diwa hanggang sa matamo ang ating kalayaan.
Sa taong ito, ating gugunitahin ang mga kaganapang humulma sa pagkakakilanlang mayroon tayo na may temang "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa."
Iba't iba man ang wikang ating ginagamit, nag-iisa naman ang layuning ating nakamit.
Mabiye!
Nabiyag!
Mabuhay ang mga Pilipino! Isabuhay ang Wikang Filipino!
🖋️: Alyannah Sy
🖌️: Renalyn Felipe
08/08/2025
Kami’y nagpaparamdam na!✌🏻✌🏻✌🏻
Kilalanin: Mga bagong mukha ng kapisanan, puno ng masasaganang kaisipan.
Handa nang tumindig sa harapan, aagapay upang ang bawat isa ay magkaroon ng pagkakaunawaan.
Huwag kalilimutan kanilang mukha't mga pangalan, sapagkat sila’y magbibigay ng ilaw sa ating pagkakakilanlan.😍😍😍
Halina't sumali sa samahang sagana ang ani!🇵🇭✨
✍️: Alyannah Sy at Jedidah Briones
🖌️: Jheann Sumaoang at Renalyn Felipe
02/09/2024
Nitong Buwan ng Wika at Kasaysayan, nakalikom tayo ng maraming magagandang alaala, at ngayon ay oras na para isara ang Labskul sari-sari store. Maraming salamat sa pagtangkilik nito, LSians!
Narito ang mga larawan mula sa kaganapan na isinagawa noong Agosto 27-29, 2024. Ang mga patimpalak na naganap ay ang bayani look-alike, pagsusulat ng sanaysay, quiz bee, dagliang pananalumpati, poster making, palarong lahi, at sabayang pagbigkas.
Dito nagtatapos ang makulay na pagdiriwang na ito—hanggang sa susunod na taon! Mabuhay ang ating wika at kasaysayan! 🇵🇭
[Ika-apat na bahagi]
✒️: Ruth Mae Yadao
📸: David Joshua Domingo, Keyshia Loyola, Gene Cezar, Ron Silverio, Genil Dela Cruz, Mark Joseph Fajardo
02/09/2024
Nitong Buwan ng Wika at Kasaysayan, nakalikom tayo ng maraming magagandang alaala, at ngayon ay oras na para isara ang Labskul sari-sari store. Maraming salamat sa pagtangkilik nito, LSians!
Narito ang mga larawan mula sa kaganapan na isinagawa noong Agosto 27-29, 2024. Ang mga patimpalak na naganap ay ang bayani look-alike, pagsusulat ng sanaysay, quiz bee, dagliang pananalumpati, poster making, palarong lahi, at sabayang pagbigkas.
Dito nagtatapos ang makulay na pagdiriwang na ito—hanggang sa susunod na taon! Mabuhay ang ating wika at kasaysayan! 🇵🇭
[Ikalawang bahagi]
✒️: Ruth Mae Yadao
📸: David Joshua Domingo, Keyshia Loyola, Gene Cezar, Ron Silverio, Genil Dela Cruz, Alpha De Vera, Reign Apolonio, Jerusha Cabatic
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Malacampa
Camiling
2306