TAU - LS Social Science Club
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from TAU - LS Social Science Club, Nonprofit Organization, Camiling.
09/04/2026
Ngayong ika-9 ng Abril, ginugunita natin ang kabayanihan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na buong tapang na lumaban sa Battle of Bataan noong 1942 sa gitna ng matinding labanan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa kabila ng panganib mula sa Hukbo ng Hapon, ipinakita nila ang tunay na diwa ng katapangan at pagmamahal sa bayan.
Kasunod nito ang Bataan Death March, kung saan mahigit 76,000 bilanggo ng digmaan ang napilitang maglakad nang higit sa 100 kilometro sa ilalim ng di-makataong kondisyon, na nagdulot ng libu-libong pagkamatay dahil sa pagod, gutom, sakit, at pang-aabuso.
Ang araw na ito ay pagpupugay sa kanilang sakripisyo at tapang. Tulad ng inspirasyon at dedikasyon ng ating mga bayani, nawa’y magliwanag ang diwa ng pagiging Pilipino sa bawat isa sa atin. Magkaisa tayo sa pagharap sa mga hamon ng kasalukuyan at patuloy na pahalagahan at ipaglaban ang ating kalayaan at karapatan.
🖋️: Mia Abriella Gapultos
🖌️: Evanah Avril Salcedo
06/09/2025
Sa pagtatapos ng Buwan ng Wika at Kasaysayan, ating balikan ang mga kuhang larawan at sariwain ang mga alaala — mula sa simpleng tawanan, sigawan, hiyawan, at kantahan, hanggang sa kasiyahan matapos ang pagdiriwang. Ito’y patunay na ang ating wika at kasaysayan ay may lakas na pag-isahin ang bawat mamamayan.
Sa pagdiriwang na ito, nasilayan natin ang talento, husay, pagsisikap, at pagkakaisa ng bawat mag-aaral. Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng sumali at naglaan ng kanilang oras para sa iba’t ibang patimpalak na aming inihanda.
Nawa’y patuloy nating isabuhay ang diwa ng Wika at Kasaysayan kahit lumipas na ang buwan ng pagdiriwang, sapagkat ang wika ang puso ng bayan — ito ang tulay ng ating nakaraan, kasalukuyan, at kinabukasan. Mabuhay ang wikang Filipino! Mabuhay ang ating kasaysayan at pagkakakilanlan!
[2️⃣]
🎨: Judeah Pascual and Charrine Mariano
📷: Cleyen Remnick Vibar, Jay Marc Roen Bandales, Princess Eliza Rentillosa, Judeah Pascual, Maxine Jhyanne Oasin, Jan Arnold Abrazado
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Camiling
2306
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |