Balik Tunog
N/a
14/07/2023
SI KUYA BEN
Sa likod ng mga matatamis na ngiti ay may kalungkutang nakakubli. Ngunit lahat ng kalungkutan na kanyang pinagdaanan ay hindi naging negatibo bagkus ginawang positibo. Siya ang isa sa mga tinitingala at hinahangaan ng bawat isa sa aming paaralan. Si Ben na laging "On the Go" sabinga nga nila. Na kahit saan mo siya dalhin kaya niyang makipagsapalaran at makipagbakbakan para sa tunay na kabutihan at katagumpayan. Iyan si Ben na hindi nagpapatinag sa lahat ng suliraning kanyang kinaharap. Patuloy na nanindigan para sa ikabubuti ng paaralan.
Kuya ng lahat dahil madaling lapitan at walang pinipiling tulungan. Sa abot ng kanyang makakaya lahat ay kanyang pinagsisilbihan ang kanyang angking galing sa pagsusulat ay tunay na nagpamalas ng iba't-ibang karangalan mula sa paaralan, bayan ng Capas at maging sa buong probinsiyang ng Tarlac na kanyang kinalakihan.
Hindi lang doon nagtapos ang lahat, siya'y hinubog ng iba pang katagumpayan sa larangan ng pagiging pinuno o lider ng aming paaralan. Lumikha ng maraming gawain at proyektong naging kapakipakinabang sa mataas na paaralan ng O'Donnell.
Sundalo din si Ben ng Kultura at Literaturang Kapampangan doon sa probinsiya ng Angeles. Inukit ang pangalan bilang isang batang manananggol ng kayang wikang kinalakihan.
Naging mahirap man sa umpisa ang bawat laban na kanyang kinaharap. Hindi nagpatinag at sumuko sa mga suliraning ito. Puyat ,pagod o pagkahapo ng kanyang balikat ay hindi nagpatinag.
Sa kanyang pagsusumikap at pagbuo ng mga makabagong konsepto ng mga gawaing kasiya-siya at kapakipakinabang na itatak ang salitang "MANALAKARAN".
Hindi man pulitiko pero tunay at tapat ang kanyang serbisyo. Lahat ay kasangkot sa kanyang katagumpayan.
Kababang loob ay makikita, pagmamahal at kagalangan ay iyong madarama.
Nakakahanga ang mga maskarang kanyang dala na naging inspirayong ng mga kabataan. Ang una ay ang MASKARA NG TUNAY NA LIDER, kanyang ipinakita ang lider na may malikhaing-isip na kayang magbigay at gumawa ng mga gawain at proyektong ikatutuwa at ikauunlad ng bawat kabataan sa aming paaralan. Ikalawa ang MASKARA NG PLUMA na kayang lumikha ng mga artikulong isinisiwalat ang katotohanan na kanyang naging sandata sa kanyang laban. Sa bawat artikolong kanyang nalilikha lahat ay namamangha. Ikatlo ang MASKARA NG MAG-AARAL, salikod ng kanyang katagumpayan at naging kantanyagang, hindi nawala kay Ben ang pagiging normal na mag-aaral. Nakikipaghalubilo, biruan at nakikipagtawanan sa mga mag-aaral na kanyang nagiging sandigan. Sa loob ng klase ay kanyang napapanatili ang mga gawain bilang isang simpleng mag-aaral. Ikapat ang MASKARA NG MABUTING ANAK sa dami ng mga gawain sa paaralan, hindi niya ito iniinda pag-uwi sa kanilang tahanan. Bagkus siya ang pinagkukuhanan ng katatagan sa likod ng malungkot na nangyari sa kanyang buhay. Pumanaw man ang kanyang pinakamamahal na ama na nanilbihan din sa aming paaralan nasi TATAY LANDO. Ang lungkot at lumbay na kanyang kinaharap ay kanyang nalampasan. Hindi nagpatinag dahil ang Diyos Ama ay kanyang pinagkukuhanan ng lakas at kabutihan sa lahat ng karangalan. Ikalima ay ang MASKARA NG PAGIGINGNEGOSYANTE, kung ating susumahin mukhang si Ben ay wala ng oras sa lahat, ngunit dahil sa kanyang aking galing at determinasyon at pagiging simpleng mabuting mag-aaral kanya naring pinasukan ang pagbebenta ng mga kagamitang naging patok sa mga mamimili. Sa kanyang mumunting kita, ang kanyang baon ay kanya ng pinagtatrabauhan at hindi na humihingi sa kanyang mga mapagmahal na magulang.
Kaya si Ben ay hinubog at pinagtibay ng panahon. Pinanday ng tunay na pagmamahal at pinalakas ng tunay na paninilbihan.
Sa kanyang pagtatapos sa mataas na paaralan ng O'Donnell ay kanyang panimula ng bagong kabanata sa kanyang bagong landas na tatahakin.
-Juan Santo
07/05/2023
OHS Work Immersion sa TRADOC, selyado na
Ni: Benedict S. Meniolas
TARLAC, Philippines – Matagumpay na naisagawa ang memorandum of partnership signing for work immersion sa pagitan ng Training and Doctrine Command (TRADOC) ng Philippine Army at O’Donnell High School, nitong Miyerkules sa Lagoon Pavilion ng Camp O’Donnell, Capas, Tarlac.
Dinaluhan ang nasabing programa ng nasa higit 50 katao na binubuo ng mga mag-aaral, sundalo, mga work immersion teachers sa pangunguna ng Senior High School Assistant Principal Gng. Gina Palgue, at ng Punong G**o ng nasabing paaralan Dr. Amparo Munoz, kasama ang Tarlac Schools Division Superintendent Dr. Ronaldo A. Pozon.
Layunin ng programa na ito ang pagkakaroon ng maayos at organisadong pagsasama sa nasabing mga institusyon para sa paparating na work immersion ng mga mag-aaral sa TRADOC.
Nangako naman ang acting chairperson ng TRADOC na si Colonel Enrique L. Clemente na kanilang sisiguraduhin ang kapakanan, kaligtasan, at kaunlaran ng mga mag-aaral.
Diin nito, “TRADOC will do whatever it can to provide a successful implementation of this Partnership.”
Dagdag pa nito, “TRADOC as learning institution is here to provide the opportunity for the Senior (High School) Students of the O’Donnell High School to have a worth while and enriching learning experience through work immersion program.”
Inaasahan namang nasa 58 na mag-aaral ang sasailalim sa 1st batch work immersion, na susundan naman ng nasa 47 mag-aaral.
Ang mga ito naman ay idedestino sa iba’t-ibang mga departamento sa pangunguna ni Major Rhoderick Oporto.
Isinaayos ni: Angelica C. Onofre
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
O'Donnell High School
Capas
2315