Talim Isip
Karunungan at Diwa
25/04/2026
“Trabaho lang, walang personalan.”
Una ko itong narinig kay Ted Failon sa “Hoy Gising”noong ’90s.
Mukhang tama.
Mukhang praktikal.
Pero habang tumatagal…
may mali.
Kung trabaho lang ‘yan,
bakit ka napapagod?
Kung trabaho lang ‘yan,
bakit mo inuuwi ang stress?
At kung trabaho lang ‘yan-
bakit ka naaapektuhan kapag pinupuna ang gawa mo?
Hindi mo puwedeng ihiwalay ang trabaho sa personal.
Dahil ikaw mismo ang gumagawa nito.
Nagtatrabaho ka hindi lang para kumita,
kundi para sa sarili mo,
para sa pamilya mo,
para sa mga dahilan na personal.
Kaya bawat desisyon mo sa trabaho,
hindi lang output ang nabubuo,
pagkatao mo rin.
Sabi nga ni Aristotle,
hindi lang natin ginagawa ang mga bagay-
unti-unti, tayo rin ang nagiging resulta nito.
Kaya kapag sinasabi mong:
“Trabaho lang naman”
para pagtakpan ang mali…
Hindi lang trabaho ang naaapektuhan.
Ikaw.
Sa huli, hindi ang tanong ay:
“Trabaho lang ba ito?”
Kundi:
Anong klaseng tao ang binubuo ng trabaho mo sa’yo?
- JRJ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
Lapu-Lapu Street
Carcar
6000