SIBOL

SIBOL

Share

Tinta ng Eskwelahan, Boses ng Kabataan

Photos from SIBOL's post 22/08/2024

Matagumpay na naidaos ng Paaralang Elementarya ng Andarayan-Bugallon ang selebrasyon ng Buwan ng Wika ngayong araw,Agosto 22 na may temang "Filipino: Wikang Mapagpalaya."

Ipinarada ng mga mag-aaral ang iba't iba at natatanging kasuotang pilipino upang mapili ang mapaparangalan bilang "Ang batang may pinakamagandang kasuotan" sa bawat grado na isa sa highlight ng programa.

Nagpakitang gilas din ang mga mag-aaral sa pagpapakita ng iba't ibang talento sa kanilang pagtatanghal.

Ayon kay Gng.Lyra May V. Batara,naging makulay ang programa dahil ang lahat ng mga bata ay nakasuot ng kasuotang pilipino.

Dagdag pa nito na kailangang maitanim lagi sa murang isipan ng mga mag-aaral na mahalin at maging proud pinoy.

Pinarangalan ang mga nagsipagwagi sa mga aktibidad na kanilang isinagawa.

Want your business to be the top-listed Media Company in Cauayan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Bugallon
Cauayan
3305