All about Philippines
More fun in the Philippines 🇵ðŸ‡
01/04/2017
PROTIPS TODAY by Maloi Malibiran-Salumbides
Kung pinagbubutihan mo ang iyong trabaho dahil gusto mong umasenso sa buhay, magandang ipagpatuloy mo iyan. Kung nagsusumikap ka dahil gusto mong yumaman, wala rin namang masama diyan ngunit may mas magandang motibasyon sa ating pagsisipag at pagsusumikap. May higit na mabuting goal kaysa sa pagyaman. Ang sabi sa 1 Timothy 6:18, "Be rich in good works, ready to give, willing to share." Kahit marami kang pera, kung hindi ka naman marunong magbigay o tumulong sa iba, balewala ang yaman na mayroon ka. Tandaan mo ito, ang pagpapalang ibinibigay ng Diyos sa iyo ay hindi lamang para sa iyo. You are blessed to bless others as well. Kaya be rich in good works.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
02/02/2017
PROTIPS TODAY by Maloi Malibiran-Salumbides
Don't allow hard times to harden your heart. Hayaan mong patatagin at patibayin ng pagsubok ang iyong character. Pero huwag mong hayaang patigasin ng problema ang iyong puso. Trials are meant to smoothen the rough edges of our character. Hindi nga ba't ang ginto ay kailangang magdaan sa matinding init ng apoy para mawala ang mga impurities nito. Isipin mo na lang na pinapayagan ng Diyos na magdaan ka sa mga pagsubok dahil nais Niyang higit kang tumatag at lumago. Ang sabi ni Max Lucado, "'God loves you just the way you are, but He refuses to leave you that way. He wants you to be just like Jesus." Hard times at work and in business can be the best of times. Have the right heart and attitude - maintain a humble heart, draw near to God and continue to be hopeful and expectant.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
01/12/2016
PROTIPS TODAY by Maloi Malibiran-Salumbides
Usong-uso na ngayon ang mga countdown. Countdown bago mag-Pasko at countdown bago mag-2017. Don't just count the days. Make your day count. Gusto mong maging makabuluhan ang buhay at trabaho mo? Live to glorify God. Ang sabi sa 1 Corinthians 10:31, "So whether you eat or drink or whatever you do, do it all for the glory of God." Maikling panahon lamang ang inilagi ni Jesus sa mundo, tatlumpu't-tatlong taon. But He made every day of His earthly life count because He was focused on glorifying God by fulfilling His will. BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Cauayan
6111