HUGOT PA MORE
RANDOM VIBES
This is HUGOT PA MORE—
❤BRAVE HEART😍❤️❣️
08/06/2026
Oo, alam kong makukulit ang mga anak ko. Matitigas ang ulo, mahirap pagsabihan, at minsan parang wala talagang pumapasok sa isip nila sa dami ng pangaral. Pero normal lang naman iyon, bata sila.
Kung ikukumpara mo ang kabataan noon at ngayon, napakalaki talaga ng pagkakaiba. Noon, walang gadget, walang masyadong libangan. Tulog, kain, laro at pagtulong sa mga magulang ang nakasanayan. Maagang namulat sa hirap ng buhay kaya iba ang pag-iisip at pag-uugali.
Aminado ako, nakakapagod maging magulang. Nakakapagod magpaalala araw-araw, magsermon, umintindi at magtiis. Pero sa lahat ng pagod na iyon, wala nang mas sasakit pa sa puso ng isang magulang kaysa makita mong pumapasok sa eskwela ang anak mo na walang baon, walang pambili kahit isang palamig, at wala kang maiaabot kahit gustong-gusto mo.
Napapagalitan ko man sila minsan, pero ang hindi nila alam, mas galit ako sa sarili ko kapag may mga bagay na hindi ko maibigay para sa kanila. Masakit bilang magulang na gusto mong ibigay ang lahat pero kapos ka.
At habang pilit kang lumalaban para sa mga anak mo, may mga tao pang handang manghusga. Ang dali nilang magsalita, ang dali nilang magbigay ng opinyon, kahit hindi naman nila alam ang buong kwento. Hindi nila alam kung ilang gabi kang puyat, ilang luha ang pinigil mo, at ilang beses kang bumangon kahit pagod na pagod ka na.
Kaya bago tayo humusga sa isang magulang, sana alalahanin natin na may mga laban na hindi nakikita ng mata. May mga sakit na tahimik lang nilang dinadala habang patuloy silang lumalaban para sa kanilang mga anak. 🥹❤️
08/06/2026
Ako lang ba yung tahimik lang?
Yung tipong hindi nagsusumbong sa kahit sino, hindi nagpo-post ng bawat problema sa social media, at hindi ipinapakita kung gaano kabigat ang pinapasan. Kaya ang akala ng iba, okay lang ang buhay ko, wala akong problema, at wala akong pakialam sa kanila. Hindi nila alam na tahimik lang akong lumalaban araw-araw, habang pasan ang mga bagay na hindi ko na kailangang ipagsigawan para maging totoo.
Good morning EveryOne🌅❤️🙏
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Boguimvilla Street, San Lorenzo, Marabulig 1 , Cauayan City. Isabela
Cauayan
3305