KESHA_vlog
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from KESHA_vlog, Health/Beauty, san antonio 1 noveleta cavite city, Cavite.
20/01/2023
May mga times na nai-insecure ako sa looks ko pero palagi kong nireremind ‘yung sarili ko na kung pinagpala pa ako sa looks edi ano na lang matitira sa iba ‘di ba? Alangan naman kunin ko lahat edi kawawa naman ‘yung iba? Kaya buti na lang talaga😌
Kidding aside, na-realize ko lang how important it is to keep in mind that there’s always a flaw in anything and anyone. Not just in physical aspects but in others too. Mayroon at mayroong mga bagay na wala ka at mayroon sila at syempre mayroon din namang mayroon ka na wala sila. Bottomline is, you can’t have everything; and that’s okay. Because at the end of the day it’s not about having everything; it’s about embracing what you have and making a life out of it.
🌼Pepay🌼
18/01/2023
WEDNESDAY MUSINGS 🌻
I hope you take a little moment to just let go and feel your emotions. Feel why you are sad, or why you are in pain, because the moment you try to confront your emotions, the more you are able to accept it.
I hope your body can provide shelter, a safe haven for them to wander and be just themselves. I hope your body can cry it out because sometimes breaking down is a way to cleanse not just our eyes, but our soul.
💛__pepay__💛
17/01/2023
Habang tumatagal ako sa labas ng payapang tahanan namin, mas napagtatanto kong isang mahabang pakikidigma ang lawak ng mundo.
Araw-araw kailangang lumaban. Araw-araw, kukumbinsihin ang sarili na mayroon akong kapupuntahan. Na may ginhawang nakalaan pagkatapos ng pagsisikap. At sa dulo ng lahat, may nakalaan sa’king tiyak at sapat.
Pero nakakapagod.
Nakakapagod ding ilaban ‘yung pangarap na ilang beses na ‘kong inilugmok sa hirap. Nakakapagod kumbinsihin ang sariling mahusay ka, pero ang totoo, marunong lang pala. Na kahit ramdam kong ibinigay ko na ang lahat, wala pa rin akong tagumpay na nalalasap.
Ang lawak nga ng mundo, mailap ang panalo. Hindi ko na alam kung dapat pa bang ipilit, o hayaan na lang na ganito ako—ordinaryo. Mas pipiliin ang kapayapaan kaysa pakikipagsapalaran. Makukuntento na lang sa kung anong ihain ng mundo.
🌼🌼🌼
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
San Antonio 1 Noveleta Cavite City
Cavite