Matthew Alamar
I bring clarity in personal finance.
2021 Health Protection Champion
Free session: bit.ly/LetsPrepare
30/04/2025
Pansin niyo ba? Daming nagtuturo kung ano ang dapat gawin niyo sa pera.
Dapat ganto.
Dapat ganyan.
Pero gagana lang naman yan kung parehas tayo lahat ng sitwasyon.
At dahil madalas naman ay hindi tayo parehas, eto lang ang dapat na gawin:
Tignan mo muna kung tugma sayo, dun mo malalaman kung “dapat” nga ba silang sundin.
03/02/2025
Kung hirap ka magpigil ng gastos, wag mong sisihin yung kape...
wala sakanya yung wallet mo.
Masakit man marinig pero minsan kailangan na talaga rektahin eh, parang yung nagpa financial consult sa akin nung isang araw.
Malaki ang kita pero walang ipon, at ang sinisisi? Mahal daw ang kape. Pero nung pinag-usapan namin, lumabas ang totoong kalaban niya: Sarili niya.
Sarili niya na naniniwalang marami pa siyang oras sa future para mag-ipon. Kaya kahit may kapasidad, wala siyang effort—ni savings account nga na hiwalay, tinatamad siyang mag bukas.
Limang beses din daw siyang nag-out of the country last year, kaya napatanong siya kung masama ba yun. Sabi ko, hindi.
Pero ang masama yung patuloy niyang panloloko sa sarili na powerless siya sa sitwasyon niya, na ang kumokontrol sa pag gastos niya ay yung mga bagay na voluntary naman niyang ginagastusan.
This just goes to show na kahit na may opportunity to save, minsan 'di lang talaga priority.
Sobrang ironic pa dahil nung nireview namin ang income sources ng freelancer na'to, eh kumita at nakatipid na siya dahil sa kape:
✔️ Karamihan ng closed deals niya, sa coffee shop nangyari.
✔️ Mas maayos siyang nakakapagtrabaho kumpara sa bahay nilang sampu silang siksikan.
✔️ Tipid sa kuryente at data—salamat sa free WiFi at aircon.
✔️ Nakakuha pa siya ng client na coffee shop owner.
In the end, na-realize niyang hindi kape ang problema, kundi kawalan ng aksyon at commitment sa part niya.
At kaninang umaga ay nag-update siya with good news—sa wakas, nagbukas na ng savings account. 🤣
Kaya para sa'yo na nagbabasa sana tandaan mo:
Kung hirap ka magpigil ng gastos, wag mo munang sisihin yung kape o ano pa mang bagay... ikaw ang nagbubukas ng wallet mo.
--
P.S.
Bukas ang inbox ko kung kailangan mo ng kakampi sa pagpaplano ng finances mo. Alam kong mahirap kalabanin ang sarili mo. 😉
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Kawit
Cavite
4104